^

Pang Movies

Porke nanalo mga ibang kuwento kay Megan pilit na pilit na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakatawa talaga dahil siguro nga sa paghahanap nila ng masasabi tungkol sa Miss World na si Megan Young, may mga tao pang nag-post sa Internet na nagsasabing may protesta raw ang US dahil ang actress turned beauty queen ay isang American citizen dahil ipinanganak sa kanilang bayan. Hini­hingi raw sa Miss World na ideklara rin siyang Miss USA at magkaroon ng dual recognition dahil may dual citizenship naman siya.

Iyan ang napakalaking kalokohan. Palagay ninyo, gagamitin ng US ang kanilang diplomatic influence para lamang sa isang beauty contest? At saka bakit, iinsultuhin ba nila ang kanilang ipinadalang Miss USA sa contest na iyon? Hindi rin naman ganoon kababaw ang usapan.

Pero ang natawa kami ay doon sa tsismis na nanggaling mismo sa nanay ni Megan. Natanong kasi siya kung napalo rin si Megan dati. Oo naman daw, sagot ng nanay niya, kasi umuwi minsan galing sa school at nakita niya na na-zero sa natural science. Napalo siya dahil doon. Pero inamin naman ng nanay na talagang hindi interesado si Megan sa subject na iyon noong nag-aaral pa siya.

Ngayon din, naglalabasan na ang mga supposed to be ay na­ging coach ni Megan at tumulong sa kanya bilang paghahanda sa Miss World. Lahat sila ay may kanya-kanya ng kuwento na sa palagay namin ay hindi naman lalabas kung hindi siya nanalo.

Ngayon may sinasabi pang baka bawiin na si Megan ng ABS-CBN.

Wally walang alam sa kanyang sex video, ang EB babe dancer pala ang kumuha

May narinig na naman kaming kuwento. Sa kabila pala ng mga iskandalong nangyari, naunawaan naman ni Rizza ang kanyang asawang si Wally Bayola at hindi naapektuhan ang kanilang pagsasama bilang isang pamilya.

Iyon nga lang, medyo hirap ngayon si Wally dahil nawala pansamantala ang kanyang hanapbuhay habang mainit pa ang controversy na kanyang kinasangkutan. Ngayon pa naman sana kailangan niyang kumita ng mas malaki dahil ipinapagamot niya ang kanyang anak na may cancer.

Mukhang ngayon ay mas maliwanag na ang pinagmulan ng video ay ang ipina-repair daw na laptop ni Yosh Rivera. Iyon din pala mismo ang ginamit nang kunan ang video.

 So, maliwanag din na si Yosh ang gumawa ng video, hindi si Wally. Bagong raket

Baguhang ramp models pinagbebenta ng 100 tickets bago maisama sa fashion show na ginagawa lang naman sa sabungan

May panibagong raket na namang nangyayari. Inaalok ang mga baguhan na maging ramp model. ’Tapos isasama sila sa fashion show pero kailangan nilang makapagbenta ng isandaang tickets sa fashion show para sila makasama.

Iyon namang fashion show, kung anu-anong damit lamang at ginagawa sa mga suburban coliseum, iyon bang ginagamit ding sabungan. Iyan ay isang malaking raket.

vuukle comment

IYAN

IYON

MEGAN

MISS WORLD

NAMAN

NGAYON

PERO

WALLY BAYOLA

YOSH RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with