^

Pang Movies

Kontrata ng nagbabalik na Kapuso aktor, plantsado na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inaayos na lamang ang ilang detalye ng contract at may isang bagong Kapuso na mapapanood na sa mga programa ng GMA 7. Balitang ipapasok siya as special guest sa isang drama series na napapanood na ngayon. 

Sa isang special venue ba ulit gagawin ang contract-signing tulad nang ginawa kina Marian Rivera at Dingdong Dantes last August and September? 

Mga nanalong best actress, pabata nang pabata!

Pabata na nga yata ang mga nagwawagi ngayong best actress. Kung sa katatapos na CineFilipino Film Festival ng PLDT-Smart Foundation, isang 13-year old, si Teri Malvar, ang nanalong best actress para sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita, ang nine-year-old namang si Barbara Miguel ang na­nalong best actress sa katatapos na Harlem International Film Festival in New York City. Ang festival ay kumikilala ng mga pelikulang tumatalakay sa mga honest, thought-provoking issues na nangyayari sa buong mundo ngayon. 

Mahusay na nagampanan ni Barbara ang role ng pinakabatang ina sa kasaysayan ng Pilipinas sa indie film na Nuwebe na ipinalabas last July sa Cinemalaya International Film Festival, kasama sina Nadine Samonte at Jake Cuenca. Nagpasya si Direk Joseph Israel Laban na ito ang isali sa international film festival at ito ang only entry ng Pilipinas at nagbigay pa ng award kay Barbara. Nag-stand-out daw si Barbara sa pag-deliver niya ng kilometric lines in Tagalog convincingly na naka-impressed sa mga judges.

Nakakatuwa ang bagets nang bigyan ng special pocket interview ng GMA Artist Center na kung alam lamang niyang mananalo siya, nag-attend sana sila ng mommy niya. Co-managed si Barbara ni Direk Maryo J. delos Reyes na siyang nagsabi ng panalo niya at ipadadala raw dito ang trophy.

Marian nasa Dubai!

Nasa Dubai na ngayon sina Marian Rivera, Christian Bautista, Rachel Ann Go, at Julie Anne San Jose para sa shows ng GMA Pinoy TV doon from September 27 to 29. Masaya kahit pagod at puyat si Julie Anne na bago umalis ay binati na siya at ang buong cast at production staff ng first primetime musical drama series nila ni Kristoffer Martin with Lucho Aya­la, ang Kahit Nasaan Ka Man.

 

vuukle comment

ANG HULING CHA-CHA

ARTIST CENTER

AUGUST AND SEPTEMBER

BARBARA MIGUEL

CHRISTIAN BAUTISTA

CINEMALAYA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with