^

Pang Movies

Sunshine nagamit ang mga anak at nagkakalkal ng problema sa pagpo-promote ng show

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

There’s no doubt na galing sa angkan ng mahu­husay na singers ang mga anak ni Sunshine Cruz.

Magaganda ang kanilang mga tinig at mahusay na umawit na tila mga professional performer. Siyempre nakamana rin sila ng musical genes kay Cesar Montano, who is an awarded recording artist.

Ang hindi lang namin matanggap ay ang paggamit o paghukay sa mga buhay nilang mag-asawa sa pag-promote ng bagong TV show ni Sunshine. Marami namang paraan upang mahikayat ang mga televiewer na suportahan ang isang TV show. It leaves a bad taste in the mouth na pati private lives kinakalkal ma-promote lang ang isang palabas.

Richard nakawala na sa saya ni Annabelle

Inaasahang sisiglang muli ang career ni Richard Gutierrez with his new manager. Saying goodbye to his own mom was so difficult to do, but his decision might really work wonders to his showbiz existence.

Nag-aabang tayo ng komento ni Annabelle Rama, who’s has always been outspoken, pero wala pa tayong naririnig in the meantime.

It is quite impossible sa isang mapagmahal na ina tulad ni Annabelle, to bad-mouth his own, favorite son.

Mabuti… ni Guy extended sa mga sinehan

Karapat-dapat magdiwang ang iba’t ibang grupo ng Noranians. Positibong senyales na bumabalik na ang magic sa takilya ng Superstar, sa pagiging top grosser ng Ang Kwento ni Mabuti, sa walong entries in the recently concluded CineFilipino film festival.

Dahil sa magandang resulta ng Nora Aunor-starrer at sa walang maliw na suporta ng kanyang fans, extended ang makabuluhang panoorin, and now on its second week.

Pati ang mga laging naninira kay La Aunor, dapat matuwa rin. Katibayan kasi na higit na lumalawak na ang mga manonood ng sineng Pinoy nang tangkilikin ng masa ang Mabuti… Magkakalakas ng loob ang mga producer na mamuhunan sa marami pang pelikula.

Bago pa magsimula ang CineFilipino filmfest, nabanggit na sa amin ni Direk Mes de Guzman na sinusulat na niya ang isang bagong script para sa se­cond movie ng dakilang aktres.

Marian nagmumukhang babalina sa kadidikit kay AiAi

Makahulugan ang ngiti ng aking psychic friend. Hindi rin siya nakatiis at sinabing ang Kung Fu Divas, na bida sina AiAi delas Alas at Marian Rivera, ang magiging biggest blockbuster before the December Metro Manila Film Festival.

“Ang lakas ng hatak sa mga moviegoer ng trailer ng Kung Fu Divas,” say ng manghuhula. “Mukhang malaking pelikula ito at very entertaining.”

Siyempre malaking tulong ang sipag sa promo ng dalawang bida. Sa madalas na paglabas ng mga Kung Fu Diva sa TV, lalo na kapag nagkakatabi sina AiAi at Marian, ang tingin tuloy namin sa GMA 7 queen babalina na rin.

Kahit ano pa ang sabihin ninyo, basta tatabo sa takilya ang kanilang first teamup. Mababalik agad ang puhunan ng mga producer, including Marian, na co-producer ng mapangahas na venture.

Baguhang aktor sinadyang ikaLAT ang hubad na photos para makipagtawaran sa mga beki

Tiyak na sa kandungan ng mga mayayamang bakla mapupunta ang isang male newcomer na kumalat ang mga nude photo sa social media bago nag-artista.

Say ng mga mahaderang kafatid, sinadya ito ng young actor para pag-usapan. Baka naman para magbigay ng kanya-kanyang bid o magtawaran ang mga makamundong beki na na-attract sa kanyang notilla sa mga hubad na larawan.

Direk Jun sanay na sa worldwide filmfest

Kalahok sa main competition ng Tokyo International Film Festival ang Mga Kwentong Barbero ni Jun Lana. Qualified ang Pinoy entry para sa awards, with the best from Asia also competing.

Sanay na si Lana na magwagi sa mga worldwide filmfest kaya sana’y mag-uwi siya ng mga tropeo from Tokyo this third week of October.

vuukle comment

ANG KWENTO

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

CESAR MONTANO

DECEMBER METRO MANILA FILM FESTIVAL

KUNG FU DIVAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with