^

Pang Movies

Weekend Do It Better tuluy-tuloy!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas dapat abangan ang walong Weekend Do It Better shows ng TV5 ngayong darating na linggo.

Samahan ang mga hosts ng Showbiz Police, na sila Lucy Torres Gomez, Direk Joey Reyes, Cristy Fermin, at Raymond Gutierrez, na arestuhin ang mga bagong intiriga’t isyu na nangyayari sa mundo ng showbiz. Kaabang-abang ang episode ngayong Sabado, 6p.m. kung saan may panibagong sorpresa sa pagitan ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Si Ogie Alcasid muli ang bibida sa spoof segment ng The Laysa Mae Toyo Show sa Tropa Mo Ko Unli at 7p.m. At ang siguradong mapapatawa kayo sa mga nakakalokang sagot ng quiz show segment na Battle of the Brainless.

Kaya mo bang hindi tumigil sa pagkanta habang kinakagat ng aso, naglalakad sa gitna ng mga cactus at inihuhulog sa isang tanke ng tubig na may mga ahas? Anim na contestants ang haharap sa iba’t ibang challenges  sa mas nakakabaliw na Killer Karaoke at 8p.m.

Ang 2013 election topnotcher na si Senador Grace Poe ang special guest ni Edu Manzano sa kanyang not-so-late night talk show, What’s Up Doods? at 9p.m.

Sa Linggo naman, babalik si Aga Muhlach sa Big Apple para ikutan ang mga popular na lugar sa siyudad – ang Manhattan at Broadway Theater District. Dadalhin niya tayo sa mga sikat na buildings tulad ng Empire State Building at Chrysler Building. At isang malapit na kaibigan ni Aga ang makikita niya habang naglilibot sa Times Square. Samahan natin si Aga sa kanyang New York City tour sa Pinoy Explorer at 6 p.m. 

Isang professional singer ang uupo sa hot seat at haharapin ang bossing ng mga game shows na si Vic Sotto sa panibagong episode ng Who Wants to be a Millionaire? at 7 p.m. Maalis kaya ni Maria Teresa Garcia ang kanyang kaba at maabot ang 2 Million peso question?

Sasali sa pang-gu-gudtaym si Joey De Leon at lolokohin niya ang isang babae at sasabihin niyang siya ang gay lover ng boyfriend nito. At, beauty queen ang special guest sa episode ng Wow Mali Pa Rin! at 8 p.m.

Ang Filipino YouTube sensations na sina Aldrich Talonding at pinsang James Bucong, na kakagaling lang sa US talk show na Ellen, ang special guest sa The Mega and the Songwriter at 9 p.m. sa pagtatapos ng panibagong weekend viewing habit.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALDRICH TALONDING

ANG FILIPINO

BATTLE OF THE BRAINLESS

BIG APPLE

BROADWAY THEATER DISTRICT

CHRYSLER BUILDING

CLAUDINE BARRETTO

CRISTY FERMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with