^

Pang Movies

MMFF willing maghintay makahabol lang ang Be Careful…

- Vinia Vivar - Pang-masa

Umapila si Atty. Francis Tolentino na in charge sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na sana raw ay huwag namang i-pull out ng Star Cinema ang Be Careful with my Heart ngayong Disyembre.

Matatandaang last Thursday ay inanunsiyo ni Chairman Tolentino ang pagba-back out ng TV series na isasapelikula na at ang ibinigay na rason ng Star Cine­ma ay ang tight schedule lalo pa nga’t may ongoing teleserye rin ito.

Ayon pa kay Chairman Tolentino, sana raw ay i-reconsider ng Star Cinema ang desisyon dahil kailangan naman natin ng pampamilyang pelikula sa MMFF.

Sinabi rin ng chairperson na willing silang magbigay ng kaunting panahon kung ito ang kailangan para matapos ang pelikula.

 â€œAlam n’yo po, bago ipalabas ’yung pelikula, meron tayong trailer eh. Iyong trailer kinukuha namin doon sa kanilang naunang shots. Willing kaming mag-bend ng ilang panahon para kahit hindi pa tapos ‘yung kanilang pelikula, bago ilabas ‘yung trailer, kung iyon lang po ang kakailanganin,” saad ni Tolentino sa kanyang live interview sa DZMM last Thursday night.

As we write this ay wala pang reaksiyon ang Star Cinema.

Daboy nabuhay kay Renz

Marami ang naaliw na entertainment press sa pakikipagtsikahan kay Renz Fernandez sa presscon ng Prinsesa ng Buhay Ko ng GMA 7 dahil unang-una ay nakakatuwa siyang magsasagot at pangalawa ay parang nabuhay sa kanya ang amang si Rudy Fernandez dahil bukod sa kamukha niya ay pareho pa silang magsalita.

At ang talagang ikinatuwa namin sa kanya, kinuha niya isa-isa ang mga pangalan namin. Say niya kay katotong Rommel Gonzalez na panay ang tanong sa kanya, “Teka, teka, ano po name n’yo?” nilista niya sa kanyang cell phone at ang dami na ngang nasa listahan niya. Kinukuha niya ang lahat ng names ng reporters na nakakausap niya para hindi niya makalimutan.

Ang tatay niya ay napakalambing din sa press noong nabubuhay pa at mukhang minana ito ni Renz.

Sa Prinsesa ng Buhay Ko ay kontrabida ang role ni Renz at bale siya ang ka-triangle ni Aljur Abrenica and Kris Bernal.

 â€œMarami po akong preparations na ginawa rito. Unang-una, nag-workshop ako kay Laurice Guillen, kay Ann Villegas, dito rin sa GMA 7, ’tapos nag-gym ako para medyo macho rin. Gym, boxing, muay Thai,” tsika ni Renz.

When asked about his love life, four months na raw siyang walang girlfriend matapos nilang mag-break ni Maxene Magalona.

“Marami naman po akong inspirasyon, lahat ng magagandang babae sa GMA 7 inspirasyon ko. Siyempre, ang nanay ko ang number one,” saad niya.

Natuwa naman si Renz nang sabihin sa kanya ng press na puwede siyang maging comedian. Gusto nga raw niya talagang magkaroon ng comedy show.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA AND KRIS BERNAL

ANN VILLEGAS

BE CAREFUL

BUHAY KO

CHAIRMAN TOLENTINO

MARAMI

NIYA

RENZ

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with