^

Pang Movies

Direk Laurice natatakot sa pressure ng ratings

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal bago napapayag ng GMA 7 ang award-winning actress and director na si Laurice Guillen para hawakan ang pagdirek ng bagong primetime series na Akin Pa Rin ang Bukas. Inamin ni Direk Laurice na takot siyang mag-commit sa isang drama series dahil alam niyang inaabot ng madaling araw ang taping at three times a week pa ang trabaho.

Pero naging maganda naman ang pag-uusap ni Direk Laurice at ng production staff ng Akin Pa Rin ang Bukas kaya pumayag na rin siya to direct her very first teleserye.

“Nasabi ko nga sa kanila na baka hindi ko kayanin ang pressure  lalo na kapag nandiyan na ang ratings,” sabay natawa ang actress-director.

“Alam naman natin na iyon ang pinaka-main concern ng bawat network ngayon. But GMA wanted a quality teleserye. Hindi lang ratings ang importante kundi ang ganda ng istorya at ang kahusayan ng mga artista.”

Dagdag pa niya, so far ay okay naman ang flow ng taping nila. Nagkaroon lang ng reshoot dahil nag-resign si Helen Gamboa dahil may sakit.

“We got a good replacement naman in Liza Lorena who happens to be working with me for the first time,” sabi ni Direk Laurice.

Nakilala si Direk Laurice sa kanyang critically-acclaimed films na Salome, Tanging Yaman, Ipagpatawad Mo, Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story, American Adobo, atbp.

Nakilala rin ang husay niya bilang artista sa mga pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang, Sister Stella L, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi, Gumising Ka Maruja, Init, at Ina, Kapatid, Anak.

Dahil sa teleserye na kanyang idinidirek, pahinga muna si Direk Laurice sa pag-arte.

Jeric aminadong nabigyan ng ‘fat memo’

Isa pala sa mga nabigyan ng “fat memo” ay ang Protégé male winner na si Jeric Gonzales. Inamin ng Kapuso young star na malaki ang naidagdag sa timbang niya noong mga nakaraang buwan dahil sa wala siyang time na mag-workout. Nagkasunud-sunod kasi ang kanyang mga naging trabaho kaya ang pambawi niya sa puyat ay ang kumain ng marami.

“Hindi ko po namalayan na tumataba na ako ng husto. Napansin iyon noong ginawa ko ang Love & Lies. Ang laki na raw ng mukha ko at ang tiyan ko.

“Sinabihan na akong mag-diet at mag-workout or else hindi muna nila ako bibigyan ng project. Eh that time meron pa akong Teen Gen. Kaya simula noon ingat na ako sa pagkain ko at panay na ang exercise ko.

“Ayokong mawalan ng trabaho dahil alam naman nila na breadwinner tayo sa pamilya namin.

“Kaya naging serious ako sa pagpapayat at na-achieve ko naman. Salamat sa kinuha kong personal trainer at sa all-fiber diet na ibinigay sa akin,” paglalahad ni Jeric.

Nag-lose nga ng more than 12 pounds si Jeric bago niya sinimulan ang taping ng Pyra, Babaeng Apoy na siya ang leading man ni Thea Tolentino, ang female winner sa Protege.

Khloe Kardashian idinenay na hiwalay na sa mister na NBA star

Inaresto for charges of DUI (Driving Under the Influence) ang National Basketball Association (NBA) player at mister ni Khloe Kardashian na si Lamar Odom. Matagal ding nagtago ang NBA star dahil sa issue rin on illegal drugs pero nahuli siya sa Los Angeles, California  na nagmamaneho ng Mercedes SUV ng alas-tres ng madaling araw at pinahinto siya sa Route 101 dahil ayon sa California Highway Patrol, ang pamamaraan ng pagmaneho ni Odom “showed objective signs of intoxications.”

Dinala sa Van Nuys Jail ang basketbolista pagkatapos siyang hindi maka-perform sa ginawang field sobriety test.

Ang 6’10” NBA star ay kasal sa reality TV star na si Khloe na kapatid ni Kim Kardashian mula pa nung 2009. Nagkaroon ng spin-off mula sa Keeping Up With the Kardashians ang kanilang married life sa Khloe & Lamar.

Kelan lang ay nabalitang hiwalay na ang dalawa dahil nga sa substance abuse diumano ni Odom. Nakita pa sa isang event si Khloe na hindi na suot ang wedding ring nila ni Lamar. Pero sa isang Twitter pic ay ibinalik niya ang singsing sa kanyang daliri.

vuukle comment

AKIN PA RIN

AMERICAN ADOBO

BABAENG APOY

DAHIL

DIREK LAURICE

JERIC

KHLOE

KHLOE KARDASHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with