^

Pang Movies

Juday nabawasan ng fans nang makipagbugbugan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nagtagal sa ere ang Huwag Ka Lang Mawawala. Ang katuwiran ng televiewers, hindi nila type na binubugbog palagi si Judy Ann Santos ni Sam Milby. Nakakaloka raw, sinasabi pa ni Sam na mahal na mahal niya si Juday.

Ganito ba talaga ang Pinoy husband? Mantakin daw na sinampal na, sinikmuraan, at sinuntok pa ng lalaki ang babae! Hindi rin masikmura ng fans na animo’y lalaki ring nakikipaglaban si Judy Ann. Naku, ayaw ni Ryan Agoncillo ng ganyan!

Michael V. kinukulang sa mga babaeng komedyante

Mabuti at kasali pa si Rufa Mae Quinto sa Bubble Gang kasi at least may pambabae pang comedy. ’Yung ibang chicks na kasama ay kailangan mag-make face talaga para lang makapagpatawa ng mga tao.

Dapat dagdagan na lang ni Michael V. ng mga comedienne ang gag show kesa puro barako ang napapanood. Sana rin may iba’t ibang guest stars sila para hindi boring.

Geoff at Aimee wala nang paramdam

Nasaan na ba si Aimee Torres, ang original singer of Pusong Bato? Bakit biglang bihira na lang natin siyang marinig? Maglalabas pa naman siya ng bagong album.

Pati si Geoff Eigenmann ay hindi na nag­papakita. Dahil kaya sa hindi pa siya pumapayat?

Personal…

 Maligayang kapistahan sa mga taga-Baliwag, Bulacan sa Aug. 28. Happy birthday naman kina Mother Lily Monteverde, Sen. Lito Lapid, Ledesma Gonzales, at Phillip Salvador.                  

 

vuukle comment

AIMEE TORRES

BUBBLE GANG

GEOFF EIGENMANN

HUWAG KA LANG MAWAWALA

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

LEDESMA GONZALES

LITO LAPID

MICHAEL V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with