^

Pang Movies

Julia hindi rin Padilla ang totoong apelyido!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Okay lang naman pala kay Dennis Padilla kung hindi ang apelyido niya ang dala-dala ng anak niyang si Julia Barretto bilang screen name. Ayon sa kanyang panayam sa PEP, siya rin naman ay hindi talaga Padilla ang tunay niyang apelyido kundi Baldivia.

Kaya ang tunay na pangalan ng anak niyang magbibida sa Mira Bella ng ABS-CBN ay Julia Barretto Baldivia. Wala raw problema sa kanya kung Barretto man ang dala-dala nito ngayon bilang artista dahil noon pa naman daw child star pa lang ito ay ito na ang ipinagamit nila.

Basta masaya raw siya para sa anak sa mga achievements nito ngayon at sa pag-aalagang ginagawa ng ABS-CBN.

Francis aminadong pinopormahan si Ella

Hindi agad nakasagot si Francis Magundayao nang diretsahan siyang tanungin ng entertainment press kung pinopormahan niya ang ka-love team na si Ella Cruz.

Pero matapos ang ilang segundong speechless moment ay sinagot din niya.

 â€œHindi naman po sa pinopormahan. Gusto ko lang po pag nandiyan siya, hindi ako magmukhang. . parang (gusto ko) nangingibabaw (ako) sa mga nakakasama niyang lalaki di ba? Kasi, ayo­kong mapag-iwanan, eh,” natatawa niyang sabi.

Pero pinopormahan nga niya?

 â€œSiguro ganu’n,” slight niyang pag-amin.

Pero dahil pareho pa silang bata (he’s 14 and she’s 16), siyempre ay hindi pa sila puwedeng magsersoyoso sa pag-ibig at hanggang puppy love lang muna.

Anyway, happy si Francis dahil after Aryana ay may project na naman sila ni Ella, ang Wansapanatam Special Presents: OMG na isang buwang mapapanood sa ere.

 

 

vuukle comment

ARYANA

ELLA

ELLA CRUZ

FRANCIS MAGUNDAYAO

JULIA BARRETTO

JULIA BARRETTO BALDIVIA

MIRA BELLA

PERO

WANSAPANATAM SPECIAL PRESENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with