^

Pang Movies

Singers at DJ’S makikitakbo sa Manila Bay clean up

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tampok sina Luke Mejares at Pretty Young Thing sa mini-concert na ma­ga­ganap ngayong Linggo ng umaga, ika-14 ng Hulyo, sa awarding ceremonies ng 2013 Manila Bay Clean Up Run.

Suut-suot na rin ng mga batikang announcer ng 90.7 Love Radio, 101.1 Yes FM, at 96.3 Easy Rock ang kani-kanilang running jerseys upang higit na makakuha ng suporta sa publiko para sa kampanya ng Land Bank na linisin ang ating karagatan at iba pang daluyan ng tubig, lalung-lalo na ang Manila Bay. 

Tatakbo rin ang mga empleyado ng DZRH, kasama na ang mga volunteer ng Operation Tulong bilang bahagi ng ika-74 ani­ber­saryo ng flagship sta­tion ng Manila Broadcasting Company, na siyang nag-organisa ng programa.  Bukod sa fun ­run, magsasagawa ang DZRH ng malawakang me­dical-dental mission sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kasunod ng Job Fair sa SM Megamall.  Iniimbitahan din ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan upang dumalo sa Kambyo Kings Day sa Star City sa gabi ng linggo para sa isang magdamagang videoke session. 

Iba’t ibang running clubs, school groups, corporate teams at mga indibidual na mahilig tumakbo ay sumuporta sa kampanya.  Mahigit 4,500  ang tatakbo sa magkakaibang dibisyon. Sisimulan ng 4:30 a.m. ang 21-km., kasunod ang 10-km., 5-km., at 3-km. races.

 

 

vuukle comment

EASY ROCK

JOB FAIR

KAMBYO KINGS DAY

LAND BANK

LOVE RADIO

LUKE MEJARES

MANILA BAY

MANILA BAY CLEAN UP RUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with