^

Pang Movies

Will Devaughn nakikipagrelasyon sa aktres na tatlong beses nang nagpapalit ng pangalan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

True kaya ang balitang may relasyon na sina Will Devaughn at Roxanne Barcelo?

Kelan lang ay may nakakita kasi sa dalawa na magkasama at very sweet sa isa’t isa habang naglalakad sa may Promenade sa Greenhills Commercial Center sa San juan City. Kitang-kita na holding hands sila habang naghahanap ng kakainan nilang restaurant.

Ayon sa aming source, na kilala naman si Roxanne, matagal na raw nitong kaibigan si Will dahil sabay silang pumasok noon sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition in 2008.

’Yun lang ay mas na-link si Roxanne sa radio disc jockey na si Rico Robles samantalang si Will naman ay na-link sa beauty queen na si Riza Santos.

Ngayon ay mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa pagkatapos nilang magsama sa isang music video ni Roxanne titled WoW (Women of the World).

Iba na pala ulit ang pangalan na ginagamit ni Roxanne. Gamit na niya ang name na Roxee B.

Ito ang ikatlong beses na nagpalit ng kanyang pangalan si Roxanne. Ginamit na niya noon ang mga name na Roxie at Anne.

Anyway, matagal ngang hindi lumabas sa isang TV series si Roxanne dahil mas pinagkaabalahan niya ang kanyang pagpapalit ng career bilang isang hip-hop singer. Mas sexy at daring nga ngayon si Roxee B.

Huling napanood si Roxanne ay sa mga teleserye na Hiram na Puso at Amaya noong nakaraang taon pa.

Si Will naman ay huling napanood sa epic-serye na Indio.

Ritz natuwa sa PG rating kahit mature at sexy ang ginawa

Sobrang natuwa ang bida ng sexy mini-series ng TV5 na si Ritz Azul dahil nakasama siya sa Top 20 ng FHM Sexiest Pinay 2013.

Nasa 19th spot si Ritz at naging malaking tulong ang pagiging FHM cover girl niya noong November 2012. Iyon ang first time na nag-pictorial siyang sexy para sa isang men’s magazine at worth it naman ang lahat ng kaba at nerbiyos niya noong pumayag siyang gawin iyon.

Happy din ang TV5 princess dahil nabigyan ng PG (Parental Guidance) rating ang pinagbibidahan niyang Misibis Bay.

“Okay na po iyong PG rating. Talaga naman po na pang-mature audience ang aming serye.

“May mga sexy dance number ako rito kasi nagtrabaho ang character ko rito bilang strip dancer sa isang club. ’Tapos may mga kissing scene at ’yung language din na ginamit namin baka hindi maintindihan ng mga bata,” say ni Ritz.

Maganda ang magiging lineup ng TV5 simula July 1 sa kanilang primetime block. Mauuna ang Cassandra: Warrior Angel ni Eula Caballero, sunod ang action-serye ni Derek Ramsay na Undercover, at sunod na ang Misibis Bay.

“Busug na busog na sila sa mga show ng TV5 sa gabi. May fantasy, may action, at may sexy-drama. We’re giving a complete lineup para sa iba-ibang audience namin,” sabi pa ni Ritz.

Mark nag-aalalasa pasawayna ka-grupo

Ang team ng Ligang iLike ang nagwagi bilang best team performance last week sa Sunday All Stars.

Si Kris Bernal na naging acting leader ng team dahil wala si Jolina Magdangal ay masayang-masaya dahil naging worth it daw ang pagbigay ng tiwala sa kanya.

Confirmed na buntis na si Jolina. Three weeks pregnant na siya at kailangan niya ng maraming pahinga dahil first baby nga nila ito ng kanyang mister na si Mark Escueta.

Anyway, hindi naman nawawalan ng pag-asa ang ibang teams, lalo na ang team ni Mark Bautista na Tropang Trending.

Twice na nga silang hindi pa nagwawagi bilang best team performance pero gagawin pa rin nila ang lahat para masungkit nila ang pagkapanalo.

Pero worried si Mark ngayon dahil may isang team member sila na hindi nakakasundo ng ibang nasa grupo nila.

Sino kaya kina Mark Herras, Barbie Forteza, Frencheska Farr, Kylie Padilla, Rochelle Pangilinan, Rita de Guzman, Rachelle Ann Go, Denise Barbacena, at Derrick Monasterio ang pasaway?

And speaking of Derrick, balita ngang sa sobrang kaba nito sa gagawing performance ngayong Linggo ay gusto na niyang mag-back out.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

CELEBRITY EDITION

DAHIL

DENISE BARBACENA

DEREK RAMSAY

DERRICK MONASTERIO

MISIBIS BAY

ROXANNE

ROXEE B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with