^

Pang Movies

Jed binigyan lang ng limang araw ng korte para sagutin ang mga bentang ni AIAI

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mama Salve, kahapon lang pala natanggap ni Jed Salang ang kopya ng petition na isinampa ni AiAi delas Alas sa Quezon City Regional Trial Court.

Limang araw ang ibinigay ng korte kay Jed para sagutin nito ang mga akusasyon ni AiAi na humihingi ng Temporary and Permanent Protection Order para sa kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.

Ang paghingi ni AiAi ng TPO ang last recourse niya para magkaroon siya ng katahimikan at hindi pa guluhin ng kanyang future ex-dyowa.

Bad rape joke ni Vice Ganda kay Jessica naging network war na

Naging network war na ang bad rape joke ni Vice Ganda kay Jessica Soho dahil mga talent sila ng rival networks.

Nag-sorry na kahapon si Vice Ganda kay Mama Jessica pero para sa mga Kapuso at nagmamahal sa respetadong broadcast journalist, insincere at hindi sapat ang apology ni Vice.

May poll survey nga ang mga Internet website at nakahihigit ang sumagot ng hindi sa tanong kung enough na ba ang apology ni Vice.
Overwhelming ang suporta at pagmamahal kay Mama Jessica ng mga Pinoy.

Talagang nakikipag-away sila dahil sa pambabastos ni Vice kay Mama Jessica na tunay na example ng isang respected broadcast journalist.

Barbie bagay na bida-kontrabida

Bida-kontrabida ang role ni Barbie Forteza sa Anna Karenina at bagay sa kanya ang pagiging maldita dahil mestiza siya.

Tuwang-tuwa naman si Joyce Ching dahil nabigyan siya ng malaking role sa primetime show ng GMA 7. Hindi na siya kontra­bida o friend ng mga bida dahil importante ang papel niya sa Anna Karenina.

Balik sa pagbibida ang dating child star na si Krystal Reyes na lead actress noon sa TV remake ng mga Mata ni Angelita.

Si Gina Alajar ang direktor ng Anna Karenina. Hindi madali ang trabaho ni Gina kaya time out muna siya sa pag-arte.

Fans ni Jayr naghahanap ng ebidensiya sa pagiging sikat ni Krista sa malaysia

Talent manager na rin si JayR dahil siya ang manager ng Kley Band at siya rin ang producer ng first album ng grupo.

Kung hindi nagkahiwalay sina JayR at Krista Kleiner, baka siya rin ang manager ng kanyang ex-girlfriend. May plano noon si JayR na ipag-produce ng album si Krista pero hindi yata natuloy dahil nagkahiwalay nga sila. Sikat siya sa Malaysia ang pralala ni Krista. Kailangan ng ebidensiya para paniwalaan ng fans ni JayR ang kanyang claim to fame.

Lani iiwan sa amerika si bong

Ngayon ang presscon ng Basang Si­siw, ang bagong afternoon show ng GMA 7 na papalit sa Unforgettable.

Kasama sa cast ng Basang Sisiw si Congresswoman Lani Mercado pero hindi siya makakasipot sa presscon dahil nagbabakasyon na sila ng kanyang pamilya sa Amerika.

Bago siya umalis ng Pilipinas, tinapos muna ni Lani ang lahat ng commitments niya. Hindi siya magtatagal sa Amerika dahil kailangan siya sa taping ng Basang Sisiw.

Mauunang bumalik ng Maynila si Lani at maiiwan sa Amerika ang kanyang loving husband na si Senator Bong Revilla, Jr.

Bakasyon grande sa Amerika ang mag-anak. Ka-join sa US trip ang apo nina Lani at Bong na si Gab.

Naipasyal na ni Jolo sa Disneyland ang kanyang anak.

vuukle comment

AMERIKA

ANNA KARENINA

BASANG SISIW

DAHIL

KRISTA

LANI

MAMA JESSICA

SIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with