^

Pang Movies

Paulo maalaga sa mga naika-kama

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Laging wala sa sarili si Paulo Avelino kapag nasa harap na ng gumigiling na ca­mera. Fully concentrated siya sa role na kanyang ginagampanan, lalo na sa mga sizzling hot love scene.

Kaya imposibleng tukuyin niya kung sino ang higit na mahusay at mainit sa mga leading lady niya sa The Bride and the Lover, na sina Lovi Poe at Jennylyn Mercado, sa mga tagpong dapat ay sa nakapinid na silid lang ginagawa.

Maging sina Lovi at Jen, aware si Paulo na uma­arte lang kahit sabihin pang natural ang bawat giling at halinghing. Silang tatlo kasi sanay na sa style ng pagdidirek ng multi-awarded na si Direk Joel Lamangan.

‘‘Pinaaalala ko sa kanila, to give their best on the first take, lalo pa’t physically and emotionally taxing ang isang eksena,’’ say ni Direk Joel. ‘‘Isang take pa lang, exhausted agad sila. Kung hindi sila maka-deliver ng take one, higit silang mapapagod kapag paulit-ulit nilang ginawa ang isang tagpo.’’

One of the leading hunk actors ngayon si Paulo Avelino at narating niya ang posisyong ito, hindi lang sa ganda ng kanyang katawan at kakisigan kundi sa husay niyang umarte. Habang binatikos siya ng kanyang mga detractor, higit siyang nagsisikap na pagbutihin nang husto ang kanyang trabaho.

Pareho sina Lovi at Jennylyn na pinupuri ang pa­­gi­ging gentleman ni Paulo sa set lalo na kapag kinu­kunan ang maseselang tagpo.

‘‘Maalaga si Paulo kahit sa mga bed scene,’’ say ni Jen. ‘‘Kaya lagi kaming relaxed ni Lovi kapag siya ang partner sa kama.’’

Si Direk Joel ay hindi pala aware na umiyak si Lovi after kunan ang pagtatalik nila ni Paulo. Ang tanging alam niya ay nasiyahan siya sa performance nila sa harap ng camera.

Direk Lino dinidepensahan ang bawat request

Nag-donate pala ng bahagi ng kanyang liver si Direk Lino Cayetano para sa transplant noon ng kanyang yumaong amang si Sen. Rene Cayetano. Ang ating atay na biggest organ ay madali palang mag-regenerate o maging buo uli kung tunay na malusog.

Pinasok na rin ni Direk Lino ang politics. After maging barangay chairman sa Taguig City, kandidato na siyang congressman sa lugar.

Bunso sa apat na magkakapatid ang filmmaker pero hindi siya sa spoiled sa pamilya. Magkaka­sundo silang apat. Ang reklamo lang ni Sen. Allan Peter, kahit sumagot na ng ‘‘oo’’ ang senador sa hini­hiling ni Lino, tuloy pa rin ang paliwanag upang masabing nasa lugar ang kanyang hiniling.

Siyempre todo suporta sina Sen. Allan Peter at ang kanyang wife na si Taguig Mayor Lani Cayetano sa congressional bid ni Direk Lino.

Popular actor binibenta na ang laman sa presyong P50K hanggang P100K!

Naawa ang mga showbiz insider sa isang popular actor na pinasok na rin ang flesh market. Available na ang artista para sa mga rich beki at ang kanyang tag price ay P50K to P100K!

Ayon sa isang director, sobra naman ang mahal ng presyo to be with the actor. Palibhasa can’t afford siya at willing lang gumasta ng P5K to P10K para sa mga menchu!

Ang request ni Direk, sana magbigay ng discount ang aktor ng mga showbiz insider. Baka sakaling mapag-ipunan pa niya!

Anne ipinagdadamot ang mukha sa makeup artists!

Malaki pala ang natitipid ni Anne Curtis sa pagpapa-makeup. Siya mismo kasi ang nag-aayos ng kanyang fez para sa taping ng kanyang mga tele­drama at ng I’ts Showtime.

Magastos nga naman ang kumuha ng isang expert makeup artist kaya’t natuto siyang ayusin ang sarili. Ang mga stylist at makeup artist naman gustung-gustong makeup-an ang aktres.

Say ng mga beki, perfect canvas ang fez ni Curtis at puwede nilang ipinta kahit ano. Lalo na sa kissable lips ni Anne, type nilang mag-itsurang higit na pouting lips si Anne para more sex appeal.

 

vuukle comment

ALLAN PETER

DIREK

DIREK LINO

KANYANG

LOVI

PAULO

PAULO AVELINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with