^

Pang Movies

Andi labas na sa ‘giyera’ nina Jaclyn at Laarni

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kung si Andi Eigenmann ang tatanungin, si­yem­­pre ay gusto rin niyang magkasundo ang mom­my niyang si Jaclyn Jose at mommy ni Jake Ejer­cito na si Laarni Enriquez. Dati rin kasing mag­­kaibigan ang dalawa at nasira nga lang dahil sa naging relasyon ng kanilang mga anak, isama na ang pagsasalita ni Jaclyn noon na tutol daw ang parents ng lalaki kay Andi.

 â€œIn time, of course. All I wanted was for his mom to like me. So, sa tingin ko naman, kasunod na ’yun. If by some miracle, his mom would, you know, accept me, then my mom din kasi nanay ko naman siya, we come in package,” sabi ni Andi when asked kung gusto rin niyang magkaayos ang mga nanay nila.

Ever since ba talaga ay hindi siya accepted ng mommy ng ex-boyfriend?

“I’m not sure po, I really am not sure,” she said. “But she’s known me since I was a little girl kasi family friend.”

So, nagbago lang nang magkaroon sila ng relasyon ni Jake?

Sagot niya, “I can’t say po kasi hindi naman ako ’yung mom and wala po akong alam talaga. I think it’s pretty late na nang malaman ko that I wasn’t accepted.”

But now na wala na sila ni Jake, may posibilidad ba na magkaayos pa ang mga nanay nila who used to be friends?

“Hindi ko po alam kasi that’s up to them. Of course, I would want for that to happen. Pero that’s up to them. Sabi po ng mommy ko, if talaga namang kami ni Jake is meant for each other, of course, she would do that for me kasi my mom, she always supports me. Even if she doesn’t agree, even if she would get hurt at some point, she still supports me. Parang ’yung dati, ’di ba? Kahit na against siya roon, sinuportahan pa rin niya ako,” sabi ni Andi.

Ibinalita rin ni Andi na okay na sila ng mommy niya. Pagbalik niya from London, England ay naging okay na lahat at marahil daw ay na-miss nila ang isa’t isa.

Samantala, may pelikula si Andi na showing na on April 17, ang Coming Soon kung saan ay isa rin siya sa mga producer. Kasama niya rito sina Boy 2 Quizon, Carla Humpries, Glaiza de Castro, Dominic Roco, at Cholo Barretto.

Boy2 sa kapipili nauwi sa bungi

Para sa pelikulang Coming Soon, ayon kay Boy2 Quizon na isa sa mga bida at producer din ng indie film, gagawin daw niya ang lahat. Kaya nga pumayag siyang magkaroon ng kissing scene with Lilia Cuntapay, ang aktres na madalas nating mapanood na gumaganap na multo sa pelikula at TV shows.

What’s ironic, kilalang mapili sa role itong si Boy2. Ang dami na niyang tinanggihang projects dahil nga sobra siyang choosy to the point na sob­rang naaasar na ang mga producer sa kanya.

“But with this one, you know what, maybe. I’m one of the producers, so, kailangan kong maging game. Hindi ako puwedeng maging ‘coming soon’ lang dito,” sabi ng actor/producer.

Ano naman ang feeling na naka-kissing scene niya si Lilia?

“Actually, ang mahirap na part do’n, ’yung hinahalikan mo si Lilia ng four o’clock ng madaling-araw. Feeling ko, kini-kiss ko ang lola ko,” natatawa niyang sabi.

Seriously speaking, ginawa niya ang eksenang ito simply because gusto nilang mapatawa ang mga manonood.

“Gusto naman naming bigyan ng justice at ipinapakiusap ko lang din sa lahat ng tao, sa media, tratuhin n’yo kaming baby. Na sana, ’yung part kung paano namin ginawa ang movie na ito, hindi kami madala.

“At least, we did it and it’s an awareness to everyone that, at least, we’re doing something — na gusto lang namin kayong patawanin, ’yun lang,” pahayag pa ng komedyante.

Jason Abalos pumasok na sa balwarte ni Coco

Consistent pa rin ang Juan dela Cruz na pinagbibidahan ng Teleserye Prince na si Coco Martin sa pagiging No.1. Patunay dito ang pinakahuling datos mula sa Kantar Media para sa buwan ng Marso kung saan nanguna sa listahan ng overall TV programs sa Pilipas ang Juan dela Cruz taglay ang average national TV rating na 35.7%.

Samantala, sa pagpapatuloy ng serye, ngayong pinapahanap na ni Haring Samuel (Albert Martinez) ang Tagabantay, pinakaaabangan ng lahat ay kung kailan ba matutuklasan ng Hari ng mga Aswang na ang taong tumutugis sa kanilang lahi ay anak ng babaeng pinakamamahal niya.

Isa pang pagbabago sa serye ay pumasok na rin si Jason Abalos bilang si Omar na pamangkin ni Haring Samuel kaya mukhang nalalapit na talagang malaman ang lihim ni Juan (Coco).

 

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ANDI

COMING SOON

HARING SAMUEL

JASON ABALOS

NIYA

RIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with