^

Pang Movies

‘Pagbabati nina Ara at Cristine kaplastikan lang’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpakatotoo lang ako sa sagot ko nang tanungin ako ni Papa Joey de Leon sa Startalk noong Sabado tungkol sa opinyon ko sa pagkakasundo ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes.

Hindi na ako nag-isip dahil sure ako na marami ang agree sa sinabi ko na kaplastikan lang ang kanilang pagbabati. Hindi ko na kailangan na mag-ela­borate pa dahil alam ng lahat na paulit-ulit na lang ang pag-aaway-bati nina Cristine at Ara.

Pagkatapos nila na magkasundo, ang kanilang muling pag-aaway ang inaasahan at hinihintay ng madlang-bayan.

Wendy Valdez may ipinabago?

Hindi ko kilala si Wendy Valdez at lalong hindi ako pamilyar sa hitsura niya kaya wala akong komento sa mga obserbasyon na may nagbago sa kanyang mukha.

Paano ko masasagot ang question eh hindi ko nga matandaan ang face ni Wendy.

Pamilyar sa akin ang kanyang name dahil na-link siya noon kay Paolo Bediones.

Manang Susan ‘gigisahin’ ni Ryzza Mae

Si Susan Roces aka Manang Inday ang special guest sa pilot episode ng The Ryzza Mae Show na mapapanood ngayong umaga, 11:30 a.m., sa GMA 7.

Pumayag agad si Manang Inday na mag-guest sa bagong TV show ni Ryzza dahil aliw na aliw rin siya sa aleng maliit na nakasama niya sa Perpetua, ang Good Friday presentation ng GMA 7.
Kung inaakala ninyo na marami na kayong alam tungkol sa buhay ni Manang Inday, nagkakamali kayo. Panoorin ninyo ang tsikahan portion nila ni Ryzza dahil may mga question ito na ngayon pa lamang sasagutin ng reyna ng pelikulang Pilipino.

Jomari pumayat na

Ang Kakambal ni Eliana ang bagong show ni Jomari Yllana sa GMA 7. Napapangiti si Jomari kapag tinutukso siya na bidang-bida ang family name nila sa afternoon series ng Kapuso Network dahil katunog ng Yllana ang pangalan ni Eliana, ang karakter na ginagampanan ni Kim Rodriguez.
    Pumayat na si Jomari nang magkita kami sa Startalk noong Sabado. ’Di hamak na mas mataba siya sa special appearance niya sa Indio, ang primetime show ni Sen. Bong Revilla, Jr.

Hubad si Jomari sa mga eksena niya sa Indio kaya halatang-halata ang kanyang Tiya Nena. Nabawasan na ang timbang ni Jomari dahil nabasa yata nito ang mga comment tungkol sa kanyang pagiging chubby.

Paolo kailangang magpapayat

Matagal kaming hindi nagkita ni Paolo Contis at kung hindi pa siya nag-promote ng Love and Lies sa Startalk noong Sabado, hindi kami magkakatsikahan.

Pinuna ko ang katabaan ni Paolo na lumobo ang katawan mula nang maging single uli. Hiyang kaya siya o talagang napalakas ang kanyang pagkain dahil dinamdam niya ang paghihiwalay nila ni Lian Paz?
Maganda ang role ni Paolo sa Love and Lies. Wish ko lang ay ma-inspire siya na magpapayat dahil mga sundalo na matitipuno ang katawan ang mga kasama niya sa kanyang mga eksena sa Love and Lies.

 

vuukle comment

DAHIL

JOMARI

LOVE AND LIES

MANANG INDAY

SABADO

STARTALK

WENDY VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with