^

Pang Movies

Balita ng CBCP Pagbi-bise presidente ni Kris kay Mar Roxas sa 2016 matagal nang kumakalat!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahit wala si Kris Aquino sa bansa, hindi pa rin siya nilulubayan ng mga issue at katunayan may sasagutin na naman siya sa pagbabalik niya.

Naglabas kasi ang CBCP (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines) ng artikulo sa CBCP News kung saan ay nagpahayag si retired Bishop Oscar Cruz na diumano’y may plano raw si Kris na tumakbo bilang vice president sa 2016 elections.

Ayon sa dating Bishop, three months ago pa niya narinig ang balitang ito.

“Formerly it was only in whispers now it has become more commonly said and heard that the youngest sister of the president of the republic will also run as vice president of the republic come 2016,” sabi ni Cruz sa artikulong lumabas sa CBCP News.

Ayon pa raw sa kanyang reliable source na connected kay Pres. Noynoy Aquino, ginu-groom daw si Kris by a powerful group from Liberal Party na tumakbo ngang bise presidente sa 2016.

Tinatawagan ng pansin ni Bishop Cruz ang kampo ni Kris na klaruhin ang isyung ito partikular na nga ang balitang magiging running mate siya ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas.

“Those concerned better address this matter. If it’s not true then they should say it so that it will stop once and for all but if there is silence, that means there is consent,” say pa ng dating presidente ng CBCP.

Gayunman, wala naman siyang tutol kung sakali at aniya ay may chance talaga na matalo ni Kris ang mga kalaban.

Bago pa man lumabas ang artikulo, may mga nag-aanalisa nang maaari ngang ang pagre-resign ni Kris sa showbiz ay preparasyon para sa kanyang pagpasok sa pulitika lalo pa nga’t laging inuulit-ulit ng Queen of All Media na kailangang maging simpleng tao muna siya bago niya isipin ang pag-entra sa politics.

Nakadagdag pa sa espekulasyon ang pahayag ni Kris sa huling interview niya bago siya umalis for Paris, France na gusto niyang mag-aral ng kursong law.

In the meantime, hintayin na lang muna natin ang pagbabalik ni Kris para malaman kung ano ba talaga ang totoo. Nakatakdang bumalik ang TV host/actress at dalawang anak sa April 5.

Sarah kaya nang magpaiyak!

Habang nanonood kami ng It Takes a Man and a Woman, parang nakikita namin si Sharon Cuneta kay Sarah Geronimo. Ganyan din kasi ang mga pelikula ni Megastar noon. ‘Yung tawa siya nang tawa at kung anu-anong kakikayan ang ginagawa.

Lalo na nga nang ipakita after the movie ‘yung mga blooper ng mga eksena nila ni John Lloyd Cruz, super kuwela talaga. Dito n’yo makikita kung ano si Sarah talaga in real life — bungisngis at palatawa. Sharon na Sharon talaga.

Sa pangatlong installment ng Laida-Miggy story na ito we’d say na nag-improve nang bonggang bongga ang acting ni Sarah. Iba nga pala talaga kapag may pinagdaanan nang pain ang isang artista, mas lumalalim ang pag-arte dahil kumbaga may pinaghuhugutan na.

Gustung-gusto namin ang acting ni Sarah in this film. Natural na natural. Marami kaming paboritong eksena niya pero ang pinaka-nagmarka sa amin at napaiyak niya kami ay ‘yung scene na nagkakantahan ang “Zoila friends” na at first ay pinipigil niyang mapaiyak hanggang sa mapaiyak na siya.

Kitang-kita mo ‘yung pain sa character niya at nang nag-dialogue siya na umiiyak, bumilib talaga kami sa kanya.

And of course, dapat pa bang pagdudahan ang husay ni Lloydie na mata pa lang ay umaarte na? Feeling nga namin, peanuts lang sa kanya ang mga eksenang ginawa niya. Walang ka-effort-effort na nai-portray niya ang karakter ni Miggy.

True, best movie ito sa tatlong installments. At mukha ngang last na rin kaya naman itinodo na nila.

Congrats sa lahat ng cast especially sa direktor na si Cathy Garcia-Molina for a job well done!

 

vuukle comment

AYON

BISHOP CRUZ

BISHOP OSCAR CRUZ

CATHOLIC BISHOPS

CATHY GARCIA-MOLINA

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

KRIS

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with