^

Pang Movies

Jolina gusto nang magkarga ng baby

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinukuwestiyon si Jolina Magdangal kung bakit daw pumayag na maging nanay sa bagong teleserye ng GMA 7 gayung wala pa namang siyang anak sa tunay na buhay? At bakit din daw pumayag itong maging kontrabida eh always bida siya sa mga nakaraang teleserye?

“Wala namang masama pumayag man akong maging nanay dito sa Mundo Mo’y Akin,” sagot ni Jolina sa mga tumutuligsa.

Sa takbo raw kasi ng panahon ngayon kahit seventeen years old ay posibleng may anak na. Saka pagod na rin siya sa pa-tweetums na role na palagi na lang nagliligawan sa mga eksena. Sa bagong teleserye, alam niya ang lihim ni Angelika dela Cruz, kung sino ba ang tunay nitong anak. At dahil sa pag-ibig kay Kier Legaspi, handang gumawa ng mga maling hakbang.

Isa pa, gusto rin daw niyang subukan ang mother role kesehodang wala pa ngang karanasan na magka-anak.

 â€œGusto ko namang magkarga ng baby at isayaw-sayaw ito,” sabi ni Jolens.

Senakulo sa Baliuag panata na

Bawat taon, naging panata na ng dating aktor na si Tony Patawaran ang mag-produce ng Senakulo. Kamakailan ay ginanap uli ito sa Glorietta ng Baliuag, Bulacan. At ipinagmamalaki ng vice mayor ngayon ng Baliuag na ang anak niyang si Patrick Acosta ang gumanap na Jesus.

Panata na rin ito ng binata bilang pasasalamat sa mga blessing niyang natatamo. Isang commercial model si Patrick.

Saan pa ba siya magmamana kundi sa kanyang ama? Kilala si Abel (screen name ni Tony) sa Baliuag bilang Captain Barbell. Matangkad kasi at matipuno ang katawan ng ama at ganun din ang anak.

 

vuukle comment

ANAK

ANGELIKA

BALIUAG

CAPTAIN BARBELL

JOLINA MAGDANGAL

KIER LEGASPI

MUNDO MO

PATRICK ACOSTA

SENAKULO

TONY PATAWARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with