^

Pang Movies

Andy Lau at Michelle Yeoh bumilib din kay Nora Aunor!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Maganda at solid na metal kaya mabigat ang mga tropeong napanalunan nina Nora Aunor (best actress para sa Thy Womb) at Eddie Garcia (best actor at People’s Choice Award para sa Bwakaw) sa katatapos na Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong.

Ang international celebrities na dumalo tulad ni Andy Lau (chairman ng mga jury) at Michelle Yeoh ay humanga sa mga nanalong artistang Pinoy at nagpakuha pa ng litrato kasama sina Ate Guy at Eddie. Pati ang mga taong nasa loob ng Hong Kong Grand Ball ng Hong Kong Convention and Exhibition Cen­ter ay ipinagbunyi ang tagumpay ng dalawa.

Dahil masakit ang paa ni La Aunor, nakasapatos siya ng goma kahit nakasuot ng Maria Clara gown.

Malaking karangalan ang manalo ng best actress at best actor award sa Asian Film Awards, kasama pa rito ang People’s Choice as favorite actor ni Eddie, kaya’t dapat silang bigyan ng kaukulang parangal sa ating bansa. May nagbalak na bigyan sila ng ticker tape parade pero naunang umuwi sa bansa ang Superstar at nagpaiwan pa ng ilang araw sa Crown Colony si Eddie.

Ano naman kayang negatibong komento ang ilalabas ng mga inggitero? Well, ihampas sa kanilang may topak na ulo ang mabigat na trophy!

Mga nominado burado ang pangalan sa telecast ng award-giving body

’Pag announce ng mga presentor, winners agad. Bina­lewala ang mga nominee. Lahat naman ng awards night ay para sa mga finalist at nagwagi. Sa kanila ang gabing ’yon. Kaya lang gusto ng producer na mas maigsi ang kanilang telecast. Para kaya maipasok pa ang mas maraming TV commercials?

Buti pa noong live show sa venue, kahit paano nai-flash sa screen ang mga finalist. Sa TV show, burado na silang lahat!

Pag-aalsa balutan sa magulang ni Heart, lumang tugtugin na

Nasa hustong gulang na si Heart Evangelista upang maging independent and to make her own decisions. Kung ang mapili niyang boyfriend ay maginoo o bastos, matino, o lasenggo, siya naman ang makikisama at hindi ang kanyang mga magulang.

Balita pa ba ang mag-alsa-balutan si Heart? Ilang ulit na ba niyang ginawa ang maglayas sa bahay ng kanyang parents at mamuhay mag-isa? Matagal na niyang ginusto na lumaya sa pakikialam ng kanyang parents. Sa puntong ito ng kanyang buhay, higit na siyang may karapatan. Tama man o mali ang kanyang desisyon, alam na niyang siya ang magdadala nito.

Richard nagpakita ng pagbabago

Maraming nagtatanong kung anong major na pagbabago sa buhay ni Richard Gutierrez, sa presscon ng My Lady Boss, hosted by Regal Entertainment, Inc. and GMA Films. Nagulat kasi sila na biglang nagbago ng hair style ang aktor. Bagay naman kay Chard ang kanyang skinhead hairdo.

‘‘Nagising na lang ako na ganito na ang buhok ko,’’ biro ni Chard. ‘‘Okay naman sa akin ito. Walang kailangang maintenance. Hindi na kailangan ng ayusin. Pagkaligo at pagkabihis, puwede agad umalis ng bahay.’’

Ang kasabihan kasi ng matatanda, kapag ang isang tao ay biglang nagbago ng hair style, may nangyaring kakaiba sa kanyang personal na buhay, tulad ng nagpalit ng girlfriend o nakatagpo ng bagong mahal.

Kay Richard, iyon pa ring dati ang kanyang mga minamahal — ang kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati at kanyang parents, brothers, and sister.

Siyempre mahal niya sa istorya ng My Lady Boss ang kanyang leading lady sa My Lady Boss na si Marian Rivera.

Mag-asawang Binay malugod na tinanggap ng Santo Papa

Sa TV coverage ng CNN at iba pang movie networks sa inaugural mass at proceedings ni Pope Francis sa Vatican, Italy ay napanood natin ang malugod na pagtanggap ng bagong Supreme Pontiff kina vice president and Mrs. Jejomar Binay bilang kinatawan ng ating bansa sa pagdiriwang.

Muntik nang hindi makaalis ng bansa si Mrs. Binay pero pina­yagan din siyang magtungo sa Vatican. Pinayagan ng Santo Papa na makapasok sa St. Peter Square ang mga tao, na hindi kailangan ang tiket, kaya marami ang dumalo sa kanyang simpleng inauguration.

 

vuukle comment

ANDY LAU

ASIAN FILM AWARDS

EDDIE

KANYANG

MY LADY BOSS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with