^

Pang Movies

Angeline hindi kayang makipagsabayan sa mga tunay na host, kulang sa finesse at tamang diction!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakadama talaga kami ng iritasyon kapag nagho-host si Angeline Quinto sa ASAP 18. Pinagpipilitan kasing humanay sa tunay na hosts sa show kaya naman lutang na lutang ang kawalan ng dating nito bilang host.

Very unpleasant kasi sa tenga ang boses ni Angeline. Walang finesse at diction kaya kahit wala silang ginagawa eh, nabubuwisit kami! Hindi na lang kasi pakantahin nang pakantahin eh ’yun ang talento niya.

Kapos na nga sa kahusayan sa pag-arte, wala ring binatbat sa hosting si Angeline kaya manong huwag nang pangarapin na ma­papantayan niya ang ibang singer-actress-host!

Ang isa pang dapat pagbawalang mag-host ay si Daniel Padilla. Porke may movie na ipalalabas, aba, isinalang sa hosting sa show. Kinakain nito ang mga salita dahil sa paos at malamya niyang boses.

Hay naku, basta maisingit lang, ’di bale nang mag-suffer ang show. Teka nga’t mahingan ng reaksiyon si Martin Nievera sa mga pulpol na hosts niyang kasama sa ASAP.                                                           

JM hinarap na ang pagkanta, panibagong show niya wala pang balita

Mabuti naman at hinarap na ni JM de Guzman ang pagkanta. Meron ding boses na maipagmamalaki ang aktor na nadiskaril mula nang magbida siya sa dalawang season ng Angelito: Ang Batang Ama.

Eh ngayong labas na ang second album niyang Tensionado under Ivory Records, higit na mapagtutuunan ng atensiyon ni JM ang singing career niya. Tutal naman, wala pang balita kung kelan masusundan ang natapos niyang lead series, hinangin muli ng aktor ang boses na magsisilbing fall back niya kung sakaling matagalan bago siya umapir sa TV.

Huwag nga lang i-associate ang title ng album ni JM sa dinaanang kotrobersiya. Wala namang tension sa album launch niya sa Trinoma, Quezon City last week habang kinakanta ang carrier single na Akin Ka Na Lang. Obviously, nalampasan na niya ang breakup sa girlfriend na si Jessy Mendiola at iba pang delubyo sa career niya.                  

Jinkee isinumpa na

Nagpalit na ng screen name si Jinkee Oda. Jacque ang tunay niyang pangalan kaya naman sa pagbabalik niya sa regular TV show na Vampire ang Daddy Ko, ang screen name na Jacque Oda ang gamit na niya.

“Ayoko na kasing masumpa! Hahaha! ’Yung Jinkee kasi, ang ibig sabihin sa mga baklush, isinumpa! Malas! Kaya except sa kulay ko, screen name lang ang nabago. Tunay na pangalan ko rin naman ’yon na ang ibig sabihin ay successor. Bongga, ’di ba?” katuwiran ni Jacque sa pagbabago ng pangalan.

 

vuukle comment

AKIN KA NA LANG

ANG BATANG AMA

ANGELINE QUINTO

DADDY KO

DANIEL PADILLA

IVORY RECORDS

JACQUE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with