^

Pang Movies

Kinontra rin ang pakikialam ni Oyo, Boy Bossing Vic nakakapagsalita na sa relasyon nila ni Pauleen!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pahapyaw nang nagbibigay ng pahayag si Vic Sotto sa relasyon nila ni Pauleen Luna. Pagdating nga lang sa mga anak laluna si Oyo Sotto na kasama niya sa GMA 7 sitcom na Vampire ang Daddy Ko kung saan ama niya ang anak, hindi sila ‘yung tipo na naghihingian ng payo sa isa’t isa pag tungkol na sa pag-ibig.

“Alam mo, ang mga anak ko, ano lang…Para lang kaming mga dabarkads kung magkuwentuhan kami. Kung mag-usap kami. Hindi ’yung, ‘Hoy, ako lang tatay dito. Ako lang ang magsasalita!’

“Kasi ’yung kinalakihan ko, ganun eh. Na hindi ka basta-basta puwedeng magsalita. May panahon kung kelan ka dapat sumali sa usapan. Iba ’yung mga salita ng matatanda nung araw. ‘Hoy, huwag kang sumali sa usapan ng matatanda!’ Ako, binago ko ’yon sa aking mga anak.

“Kung mag-usap kami, para kaming magkakaibigan lang. So, ’yung mga payu-payo, advice, dumarating na lang ng kusa. Madali namang kausap ang mga anak ko eh,” paliwanag ni Vic sa presscon ng bagong sitcom.

Wala namang tuksuhan sa kanilang mag-ama pagdating sa love life?

“Ahh, hindi rin. ’Yung mga ganung bagay, hindi kami nagtutuksuhan. Nagrerespetuhan kami. Kumbaga kung ano ’yung…Kahit naman nung araw, nung wala pa siyang asawa, hindi ko naman ugali ’yung nakikialam sa personal na buhay ng mga anak ko.

“So, kung ano ’yung binibigay mo, ’yun din ang binabalik sa ‘yo. So, nandoon ‘yung respeto. Not unless kailangang pag-usapan. Sa ngayon naman, wala namang seryosong bagay na dapat pag-usapan,” dagdag katuwiran pa ni Bossing Vic.

Sa kanyang GMA sitcom, ang Koreana na disc jockey (DJ) na si JinRi Park ang kapareha niya. Hindi naman daw nakunsidera si Pauleen na isama sa cast dahil mas concentrated sa drama ang dyowa.

“Baka magkaroon ng conflict sa ginagawa niya ’pag sinali mo siya sa isang show na on a supporting role. May binabagayan,” dahilan niya.

Kung sakaling umakma raw ang TV host-actress sa isang konsepto ng project na gagawin, hindi naman siya papalag kung ang girlfriend ang kasama niya.

Piracy issue isinangkap sa The Fighting Chefs

Panalo sa komedya ang pagsasama nina Ronnie Ricketts at Chef Boy Logro sa pelikulang The Fighting Chefs na nagkaroon ng advance screening last Monday sa Robinsons Galleria. Eh swak na swak din sa audience ang pagpapakuwela ng ibang cast kaya naman kaaliw-aliw ang dating ng movie.

Sa ganitong movie bihasa si Ronnie bilang actor-director. Nagpapasok din siya ng values at eksenang nagbibigay halaga sa kalusugan ng tao. Hindi naman kasi pilit ang dating ng mga ganitong eksena sa movie ni Ricketts dahil alam naman ng lahat na health buff siya.

Of course, dahil si Ronnie ang chairman ng Optical Media Board (OMB), may eksena rin tungkol sa piracy. Isinama sa isang eksena ng advocacy ng OMB na labag sa batas ang magbenta ng pirated DVDs.

Showing na bukas ang The Fighting Chefs kaya humanda nang maaliw sa mga eksenang dala ng pelikula.

 

vuukle comment

BOSSING VIC

CHEF BOY LOGRO

DADDY KO

FIGHTING CHEFS

KUNG

NAMAN

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with