^

Pang Movies

Tindahan ni Pacman bagsak-presyo na ang mga paninda

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Bargain sale na si Manny Pacquiao!

Ibig sabihin, lahat ng items na binebenta sa mga Pacquiao boutique sa mga mall, nagbaba na ng pres­yo, hanggang less 50 percent or more! Ito ang isa sa mga naging resulta ng pagkatalo ng Pambansang Kamao kay Juan Manuel Marquez.

Tiyak pati ang mga corporation na gustong kumuha sa kanya bilang endorser, umatras na rin. Paano naman ang mga dati na niyang produktong siya ang modelo? Baka hindi na mag-renew ng contract.

Mga datung sa mga nanalo sa MMFF ipinamigay na

Meron na namang bagong ilulunsad sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Ipinahayag ni MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) Chairman Francis Tolentino na sisimulan this year ang New Wave Animation category.

Magkakaroon din this year ng MMFF Review Committee to assess and improve the rules and other implementing programs ng festival, ayon sa pahayag sa appreciation dinner hosted by MMDA for the winners, producers of official entries in the 38th film fiesta.

The program last Monday evening, hosted by MOWELFUND President Maria Elisa (Boots) Anson Roa, gave the corresponding cash prizes to the major awardees. Nandoon si Dingdong Dantes (Best Actor winner ng 2012 MMFF) na tumanggap ng kanyang premyong pera. Hindi namin nalaman kung magkano ang laman ng envelope. Siyempre wala ang Best Actress na si Nora Aunor dahil nasa America siya for her throat surgery.

Masaya ang okasyon na tinampukan ng pipiling-piling guest artists, including the unsinkable Mitch Valdez, who among our female artists, is the ge­nuine total entertainer. May return engagement ang stage musical Katy, with Maya in the main cast.

Isa sa mga early bird na nakita namin, si Allan Paule, na medyo pahinga ngayon. Wala siyang tele­drama o pelikulang ginagawa. Bakit kaya nagiging inactive ang isang mahusay na aktor tulad ni Allan?

During the show, napagkuwentuhan namin ni Boots Anson-Roa na bukod sa pagiging campus beauty queen/figure, ay nag-excel siya sa academics. Consis­tent scholar siya at active pa sa ex­tra-curricular activities as a student.

Nahalal siyang president ng University of the Philippines Women’s Club dahil sa kanyang talino at husay ma­kitungo sa kanyang mga kap­wa estudyante sa UP.

Sa mga bagong dagdag sa MMFF this year, obvious na gusto nina Atty. Francis Tolen­tino at mga kasama sa MMFF na gusto nilang palaging umunlad ang annual fiesta ng Pinoy movies, na sa buong bansa na idinaraos.

Pa-bingo sa maliliit na mall mas lumakas dahil kina Isko at Yul

Binigyan ng bagong titulo si Manila Vice Mayor Isko Moreno. Binigay ang korona sa kanya as the new Bingo King.

Ang sabi ng mga may pa-bingo sa mga mall, lumakas sa mga parokyano mula nang madiyaryo ang pagkadakip nina Isko at Konsehal Yul Servo sa binggohan sa Tambunting. Hindi po sa Tondo ang lugar na ito. Nasa Sta. Cruz o third district ng Maynila ang kalyeng nasabi.

Ang bida ni Ms. F, pati sa kanilang lugar sa Guimba, Nueva Ecija, hinihiling na magpa-bingo siyang muli. Marami kasing ipinamimigay na premyo ang PMPC (Philippine Movie Press Club) President Fernan De Guzman doon. Lahat ng mga napanalunan niya sa raffle noong nakaraang Christmas season, giveaway lahat sa bingo sa Guimba!

Anak ni Juan Ponce Enrile laglag sa Top 12, Loren at Chiz tuloy ang pamamayagpag

Pawang mga reelectionist ang nasa Top 3 ng senatoriables. Happy ang mga taga-showbiz na nasa No. 5 position ang dating MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chair Grace Poe-Llamanzares.

Nasa No. 1 pa rin si Sen. Loren Legarda, No. 2 si Sen. Chiz Escudero, at No. 3 si Sen. Cayetano.

Nahulog na sa winning Top 12 ang anak ni Senate President Juan Ponce Enrile na si Jack Enrile.

vuukle comment

ALLAN PAULE

ANSON ROA

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

BINGO KING

BOOTS ANSON-ROA

CHAIR GRACE POE-LLAMANZARES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with