^

Pang Movies

Paolo at Lian, inaayos ni Pacman!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ko pa nakakausap si Paolo Contis kaya hindi ko pa alam ang true version sa kuwento na nakarating sa akin kahapon na gumagawa ng paraan si Congressman Manny Pacquiao para magkasundo sila ng kanyang estranged wife na si Lian Paz.

Very close sina Paolo at Papa Manny. Mula nang maging Christian si Papa Manny, ayaw niya na nagkakahiwalay ang mga mag-asawa. Gusto ni Papa Manny ng pamilya na buo at mag-asawa na maganda ang relasyon.

Ang balita ko, pinapunta kahapon ni Papa Manny sina Paolo at Lian sa studio ng GMA 7. Kakausapin niya ang mag-asawa na ayusin ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan.

Maganda ang motibo ni Papa Manny at sana nga, maging successful ang kanyang balak na pagkasunduin ang Contis (un) couple.

Cynthia Villar nauna na sa TV ads

Magkikita kami bukas ni Mama Cynthia Villar dahil ikukuwento niya ang kanyang mga pangarap para sa ating mga kababayan.

Nagbubunga na ng maganda ang mga pagsisikap ni Mama Cynthia dahil hindi nawawala ang kanyang pangalan sa survey ng mga senatoriable na pinagtitiwalaan ng madlang-bayan.

In fairness kay Mama Cynthia, siya ang unang, unang naglabas ng mga advertisement niya sa telebis­yon. Big help din ang magandang track record sa senado at sa public service ng kanyang loving husband, si Sen. Manny Villar.

Phillip umatras na sa pagiging acting coach

Si Phillip Salvador ang acting coach ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Indio kaya palagi siya sa set ng primetime show ng GMA 7.

Magiging bihira na ang pag-apir ni Phillip sa set ng Indio dahil kasali siya sa cast ng bagong drama series ng Kapuso Network. Baka hindi na si Ipe ang maging acting coach ni Bong dahil magkasabay ang araw ng taping ng Indio at ng new show niya sa GMA 7.

Aktres na maganda walang improvement sa pag-arte, nagsayang lang sa mga ginasta sa acting workshops

May bagong drama show ang aktres na hindi na natuto na umarte. Nagdusa ang direktor at co-stars ng aktres sa huling project na pinagsamahan nila dahil sa kanyang bano na pag-arte.

Sayang lang ang magagandang role na ibinibigay sa aktres ng kanyang home studio dahil hindi niya na­ga­gam­panan nang maayos. Balewala ang ganda ng hitad dahil wala itong effort na pagbutihin ang acting. Nabalewala lang ang mga datung na ginastos ng home studio niya para sa kanyang mga ac­ting workshop.

Bela bumawi sa ice cream

Maraming salamat kay Bela Padilla dahil sa Arce ice cream na ipinadala niya sa akin noong Sabado.

Ang pamilya ng boyfriend ni Bela na si Neil Arce ang may-ari ng Arce ice cream. Pamilyar ang name ng mhin dahil ex-boyfriend siya ni Maxene Magalona na girlfriend ngayon ni Renz Fernandez.

Matagal pa ang birthday ko pero pinadalhan ako ni Bela ng ice cream. I’m sure, naglalambing siya dahil sa insidente na nangyari noong nakaraang linggo. Uulitin ko, wala akong intensiyon na ma-offend si Bela na biglang umiyak dahil sa isyu na inisnab niya ang mga reporter na kanyang nakasalamuha sa event ng GMA 7 sa Cagayan de Oro City.

vuukle comment

DAHIL

INDIO

KANYANG

MAMA CYNTHIA

NIYA

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with