^

Pang Movies

Sarah G. papasa sa kumbento!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Matagal nang nababalita na gustong bumukod ng tirahan si Sarah Geronimo. Noon pa niya gus­ong kumawala sa hawlang ginto at maging ganap na malaya.

Kaya lang, laging nangingibabaw ang pasya ng kanyang mahal na ina. Nasa hustong edad na ang singer/actress at puwede nang gumawa ng sariling desisyon upang ang kanyang buhay ay hindi masadlak sa dusa at lumbay.

Naniniwala kaming kaya lang papayagang bu­mu­kod sa magulang at kapatid ang “over protec­ted” actress ay kung papasok siya sa kumbento at mag­­­mu-mongha! Hindi na siya mahahadlangan ng kayang ina kung tunay na gustong maging alagad ng Diyos.

Mungkahi namin doon ka magmadre sa Our Lady of Angels Monastery ni Mother Angelica. Hindi ka na susundan sa States at babantayan ng iyong nanay.

Good luck, Sarah G. (G as guardian angel)!

Powerful gay tatlo ang dyowa, may naka-reserba pang isa

Tatlo ang kilalang kabit ng isang powerful gay. Popular na at isa sa mga in demand actor ang kanyang No. 1. Papasikat na ang No. 2 at tiyak na sa nakalinyang magandang projects, nagiging big star siya this 2013.

Ang pangatlo sa listahan ay isang poging reserved “talent”. Puwede siyang mag-substitute kapag busy ang dalawang boys sa showbiz at walang time sa mamasan.

Ang hindi natin alam, meron pang No. 4 na higit na madalas makapiling ng bading na ubod ng haba ng buhok! Sa ngayon tila wala pang masyadong ambisyon ang menchu. Maisama lang sa mga trip abroad, okay na sa kanya.

Willie hindi na makakasagabal sa primetime shows ng TV5

Agad pinalabas ang Kidlat ni Derek Ramsay sa TV5, ng walang masyadong promo. Ewan lang natin kung bugbog na ang showing ng trailer ng fantaserye sa kanilang channel.

Malakas naman ang show, Enchanted Garden, na nasa timeslot ng Kidlat ngayon, kaya meron na itong captive audience.

Buti na lang at walang kasabay na show si Willie Revillame sa primetime ng TV5. Hindi na maka­kain ng comedian ang oras ng mga teledramang ginastusan ng network.

Magsisimula ang Never Ever Say Goodbye ni Nora Aunor na walang pangambang ma-delay ang telecast dahil sa Wowowillie.

Sa noontime slot na inilipat ang bagong show na ang premiere telecast ay sa Jan. 26. Sa unang araw pa lang, nabalitang mamimigay na ng P3 million cash prize ang show. Tig-one million pesos sa Lu­zon, Visa­yas, at Mindanao! Siyempre maraming uma­asang yayaman at mag-aabang ng show.

Bading na aktor tumangging pakasal sa boyfriend

Palasak na sa mga rich celebrity ang bumili ng “pag-ibig”. Basta’t they can afford madali nilang ma­bibingwit ang isang handsome gigolo, na papatol lang talaga sa kanila, dahil sa pera.

Pero nag-ilusyon pa rin ang isang leading artist na true love siya ng poging boyfriend. Handa raw si­yang pakasalan kahit saang simbahan. Siya lang ang tu­matanggi dahil ayaw na niyang bigyan ng isa pang trauma ang kanyang mga anak, kahit hindi hayagang tumutol sa relasyon ang mga bata, tiyak na magwawala na sila kapag magkaroon pa ng kasalan.

Hollywood movies papasok na ngayong linggo

Pawang malalaking foreign films ang magbubukas after the film festival. Delikado silang sabayan. Kaya ang Pinoy movies, nagparaan muna ng ilang linggo. Sabik ang mga taong manood ng Hollywood movies at mga higante talaga ang makakabangga sa takilya.

 

vuukle comment

DEREK RAMSAY

ENCHANTED GARDEN

KAYA

LANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with