^

Pang Movies

Matapos bumagsak biyahe ni Pacman pabalik ng ‘Pinas, aprubado ng doktor

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bukas ng umaga na ang dating ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa Pilipinas mula Las Vegas, Nevada. Ito ang sinabi nila sa live interview sa kanila ng Unang Hirit sa GMA 7 kahapon ng umaga. Kumuha muna ng clearance ang Pambansang Kamao mula sa kanyang doctor ng clean bill of health after niyang bumagsak sa ring sa laban nila ni Juan Manuel Marquez. 

Ngayon mapapatunayan kung totoo ang sinasabi ng mga tao na si Pacquiao pa rin ang kanilang hero sa boksing kung mapupuno ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ng mga taong sasalubong sa kanyang pagdating. 

Umuwi agad ang mag-asawa dahil magbi-birthday ang eldest nilang si Michael at sa nalalapit na ring birthday ni Manny next week.

Talent manager, donasyon ang kailangan sa birthday

Happy birthday today to talent manager Noel Ferrer! Pero sa halip na regaluhan siya, si Noel ang magbibigay ng regalo sa mga batang may cancer mula sa Fe del Mundo Hospital sa pamamagitan ng isang show, ang The Best Gift, sa Zirkoh Morato, Quezon City mamayang gabi.  Magsasanib-puwersa sina Lani Misalucha, Jed Madela, Gloc 9, at Martin Nievera. Hindi nagpabayad ng talent fee ang mga artist kaya naman lahat ng gustong manood ay libre rin ang entrance fee. Magkakaroon na lamang ng donation para sa kids with cancer during the show.  Dumalo tayo, nakapanood na kayo ng magandang show ng libre, nakatulong pa kayo sa mga batang may cancer.

Sef Cadayona seryoso sa indie film

Nang una naming malaman na kasama sa limang official entries sa New Wave Section ng 38th Metro Manila Film Festival ang Gayak, nagtaka kami kung bakit sa poster ay putikan ang mga bidang sina Allan Paule at Sef Cadayona. Nang makausap namin sa special press preview si Ronaldo Bertubin, ikinuwento ng direktor ang isang naiibang festival sa Aliaga, Nueva Ecija honoring St. John the Baptist. Ang mga sumasali ay nagpapahid ng putik sa katawan at natatakpan sila ng tuyong dahon ng saging at naniniwala silang ang mga dasal nila ay sasagutin ng kanilang patron saint.

Nagustuhan namin ang movie dahil tahimik ito, walang mga awayan, talakan, o matinding iyakan para maging sensational ang mga eksena. Ang Gayak ay story ni Alan, isang tailor na simula nang mamatay ang asawa ay inilaan na ang panahon sa nag-iisang anak played by Sef Cadayona. Kapatid ni Allan si Evelyn Vargas at anak nito si Richard Bradley, pinsan at bestfriend ni Sef. 

Sa simula, parang iisipin mo kung ano ang special sa story pero hahaplusin ang puso ninyo habang pinapanood ninyo ito hanggang huli. Hindi iisipin na serious actor pala si Sef na madalas napapanood sa comedy shows ng GMA 7. Ang Gayak ay mapapanood simula sa Dec. 18, 8 p.m., sa premiere night sa Glorietta Cinema 1, Makati City. Sa Dec. 19, 4:30 p.m.; Dec. 20, 7 p.m.; Dec. 21, 9:30 p.m.; at Dec. 22, 12 n.n.

 

vuukle comment

ALLAN PAULE

ANG GAYAK

BEST GIFT

EVELYN VARGAS

GLORIETTA CINEMA

JED MADELA

JINKEE PACQUIAO

SEF CADAYONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with