^

Pang Movies

Shaina sawa nang maging bayolente

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Biyernes (Nov. 16) na ang final episode nang kontrobersiyal na kuwentong pag-big ng Kung Ako’y Iiwan Mo na tinutukan ng afternoon viewers sa ABS-CBN sa loob ng pitong buwan.

 Para sa bida nitong si Shaina Magdayao, na­ging malaking bahagi na ng kanyang buhay ang teleseryeng pinagbibidahan nila nina Jake Cuenca at Bangs Garcia na nagsimulang umere noong Abril 16.

“Isang buong taon kaming nagtrabaho for this show at naging malaking challenge ito para sa akin bilang aktres,” pahayag ni Shaina na mas kilala sa mga manonood bilang si Sarah, ang asawa ni Paul (Jake) at matinding karibal ni Mia (Bangs).

Bukod sa maiinit nilang love scenes nila ni Jake, isa pa sa pinakaaabangang kaeksena ni Shaina sa Kung Ako’y Iiwan Mo ay ang mga maaaksiyon nilang harapan ng mga karakter nila ni Bangs.

“Kung meron mang isang rason kung bakit ako masaya na magtatapos na ang show namin, ito ay dahil, finally, matitigil na ang pagiging bayolente ko,” sabi ni Shaina.

Sa init ng suportang natanggap nila sa halos isang taon na pag-ere ng kanilang teleserye sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN, lubus-lubos ang pasasalamat ni Shaina sa lahat ng TV viewers na minahal ang kanilang kuwento at mga karakter.

Huwag palampasin ang huling linggo ng Kung Ako’y Iiwan Mo, tuwing 3:30 p.m.

vuukle comment

ABRIL

BANGS GARCIA

BUKOD

IIWAN MO

JAKE CUENCA

KAPAMILYA GOLD

KUNG AKO

SA BIYERNES

SHAINA

SHAINA MAGDAYAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with