^

Krema

Krema (26)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINAWAG sila ni Krema para kumain. Nakapaghain na ito.

‘‘Halika na Lex. Alam kong gutom na gutom ka na.’’

Nagtungo sila sa kusina. Nakahain na nga si Krema. Nalanghap ni Lex ang adobong manok at ang sitsarong balat ng pugo. Umuusok ang bagong sandok na kanin.

“Sige upo na at bumanat ka na ng kain. Alam kong umaantak na ang sikmura mo.’’

“Opo nga Tiyo. Talagang hindi ako kumain sa biyahe para dito babawi.’’

“Putang-ina! Hindi mo malimutan ang luto ni Krema ano? Walang makakaparis sa luto ni Mahal.’’

‘‘Oo nga Tiyo. Walang adobo sa gata na may luyang dilaw sa Maynila. Puro peke ang gata.’’

Nagtawa ang kanyang Tiyo.

‘‘Sige sabak na sa pagkain at baka lumamig ang adobo at kanin.’’

“Magkakamay ako Tiyo.’’

“Oo sige. Maghugas ka ng kamay sa lababo. Masarap ngang magkamay kapag adobong manok ang ulam.’’

Tinungo ni Lex ang lababo at naghugas. Si Krema ay napansin niyang nagsasalin ng tubig sa batalan.

Matapos maghugas ay nagbalik siya sa mesa at nagsimulang kumain.

“Ikaw po Tiyo at si Krema, kain tayo.’’

“Kakakain lang namin nang dumating ka.’’

Sumubo si Lex ng kanin na nilagyan ng kaunting sabaw ng adobo. Tamang-tama ang asim at alat. Sarap!

Dumampot siya ng laman ng manok. Sarap! Malambot na malambot. Walang ganitong luto sa Maynila. Maski ang mama niya ay hindi marunong magluto ng ganito.

“Ang sarap Tiyo! Walang makakatulad!’’

‘‘Masarap talaga ’yan! Sige kain pa. Maraming kanin. Bagong ani yan kaya napakalambot at mabango.’’

Kumain pa si Lex.

Dumampot siya ng sitsa-rong balat ng pugo. Masarap din.

Busog na siya.

“Mamaya nang konti, iinom tayo, Lex.’’

“May dala akong imported Tiyo. Huwag ka nang umakyat sa karitan mo para kumuha ng tuba at baka mabinat ka.’’

“A kaya ko naman.’’

“Huwag na Tiyo. Itong dala ko ang inumin natin.’’

“Sige kung yan ang gusto mo.’’

Kinahapunan, nag-inuman na ang dalawa. Itinuloy ang pinag-uusapan kanina tungkol kay Krema. Hindi raw ito nagagalit na inililihim bilang asawa ng kanyang Tiyo. Nagkakaintindihan na raw sila. (Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with