^

Krema

Krema (5)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KUMAIN sila. Hindi su-malo si Krema sapagkat sinisilbiuhan sila. Nagkamay si Lex. Sarap na sarap siya sa adobng native na manok na nangingintab ang gata. Malambot na malambot ang manok. Breast ang paborito niya. Malaman na malaman. Halos hindi siya humihinga sa pagsubo. Napakasarap kasi ng kanin. Halatang bagong ani dahil sariwang-sariwa ang halimuyak. Naubos kaagad ang kanin sa bandehado. Nakaantabay naman si Krema at agad sinasandukan ng kanin ang bandehado. Umuusok ang kanin.

“Kumain ka nang kumain Lex. Maraming ulam at kanin. Kapag kinulang, magpapaluto pa tayo.’’

“Bakit ang daming ulam, Tiyo. Alam mo bang dara-ting ako?’’

“Marami talaga kaming magluto. Kasi yung para sa hapunan, niluluto na. Para wala nang gagawin mamayang gabi. Kakain na lang nang kakain.’’

“Ah ganun ba Tiyo? Para tipid din sa gatong ano?’’

“Oo. Pero ngayong narito ka, magluluto uli si Krema para sa hapunan.”

“Naku, okey na sa akin ito, Tiyo.’’

“Hindi! Magluluto uli siya. Maraming iluluto diyan. Mayroon akong hito at dalag na nasa tapayan. Kukunin lang doon at saka kakaliskisan ang dalag at puwede nang iihaw o pesa. Anong gusto mo, hito o dalag mamayang gabi?’’

“Hito, Tiyo. Inihaw na hito. Yung malutong ang balat.’’

“Sige. Sanay na sanay si Krema sa pag-iihaw. Masarap ding magtimpla ng sawsawang suka na may sibuyas at sili. Tsampiyon sa sarap ang sukang sawsawan.’’

“Talaga Tiyo?’’

“Oo. Mahusay ngang kusinera si Krema.’’

“Kaya pala ang ganda ng katawan mo Tiyo. Busog na busog ka.’’

“Oo,’’ ibang mag-alaga si Krema.

Kumain pa sila. Nakailang sandok ng ginataang manok at ilang bandehadong kanin sina Lex at Tiyo Mon.

Pagkatapos ay naghimagas sila ng minatamis na kamote at balinghoy.

Busog na busog si Lex. Damang-dama niya ang kabusugan.

“Hindi ko malilimutan ito Tiyo. Kapag ikinuwento ko ito kay Mama, magugulat yun.’’

“Siyanga pala Lex, huwag mo nang ikukuwento kay Ma-  ma mo,  na nag-asawa uli ako ha.’’

“Bakit po?’’

“Basta. Ilihim mo na lang ha?’’

“Opo Tiyo.’’

Dakong alas kuwatro ay ang pag-iinuman naman ang hinarap ng magtiyo. Kumuha ng tuba si Tiyo Mon sa isa sa mga kinakaritang niyog sa tabi ng bahay. Ilang litro ng tuba ang kanyang nakuha.

“Tikman natin ito, Lex.’’

Sinimulan nila ang inuman.

Nagluto si Krema ng kare-kareng pugo na may tinadtad na puso ng saging.

“Ano Lex, di ba masarap ang tuba?’’

“Opo Tiyo, masarap!”

Nang malasing, lalo pang naging makuwento si Tiyo Mon. Nagkuwento nang tungkol kay Krema.

(Itutuloy)

KREMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with