ADFER sa Central Luzon, patok!
Sa pagpatupad ng ADFER o Accounting and Disposition of Firearms with Expired Registration sa Central Luzon, nakapagtala ang kapulisan ng 187 na baril sa loob lamang ni 24-oras. Hindi na biro ito. Sinabi ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez na ang accomplishment ay bunga sa pakikipagtulungan ng mga pulis sa kalye, ang tuluy-tuloy na information drive, koordinasyon sa mga gun owners at siyempre sa pakikiisa ng taumbayan. Pinuri ni Mendez ang kanyang mga tauhan na kumilos sa operasyon at ang mga responsableng may-ari ng baril na nakipag-ugnayan sa pulisya. Aniya, ang pag-account ng 187 firearms sa loob lamang ng isang araw ay nagpapakita kung ano ang kayang gawin kapag may tamang koordinasyon, seryosong trabaho at suporta ng mamamayan. “Bawat baril na maayos na na-account ay nakababawas sa posibleng banta sa kaligtasan ng mga residente,” ang saad ni Mendez. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa nasabing bilang, 182 baril ang idineposito para sa safekeeping habang lima naman ang kusang isinuko sa mga awtoridad. Malaking bagay ito. Bawat baril na maayos na naitatala at nailalagay sa tamang disposisyon ay isang potensyal na panganib na naaalis sa komunidad. Iwas sa pagkawala. Iwas sa ilegal na bentahan. At higit sa lahat, iwas sa posibilidad na mapunta sa maling kamay at magamit sa krimen.
Hindi rin basta numero ang 187.. Kasabay nito, nakaangkla ang kampanya sa PNP Focused Agenda ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., partikular sa pagtutok laban sa loose at unaccounted firearms. Purbidang yawaahhhhh! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
At habang pinipigilan ng ADFER ang problema tungkol sa ilegal na baril bago pa ito lumala, nandiyan naman ang Unified 911 para mas mabilis ang responde sakaling magkaroon ng emergency. Ibig sabihin, sabay na pinapalakas ng pulisya ang prevention at response. Mismooooo!Sa simpleng salita: mas kaunting baril na ligaw, mas kaunting peligro. Tumpak! At kapag may emergency, mas mabilis ang responde. Kaya sa mga may baril na paso na ang rehistro, huwag nang hintaying kumatok pa ang problema.
Makipag-ugnayan na sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Sa huli, hindi lang baril ang binibilang dito. Kaligtasan ng komunidad ang tunay na tinututukan. Abangan!
- Latest
















