^

Punto Mo

Tres Queridas (11)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MA’AM Celeste...” Tawag ng driver habang nakatitig sa rearview mirror.

“Bakit Kuya Jun?” sagot ni Celeste habang nagre-retouch ng lipstick.

“Kanina pa nakatutok ‘yang itim na van sa likod natin. May ka-meeting po ba kayo ngayong araw?”

Lumingon si Diana.

“Oh my god. Someone is following us?” sabi ni Celeste. “Iligaw mo ‘yan, Kuya.”

“Sige po, Ma’am,” sagot ng driver sabay kabig ng manibela at sumingit sa dalawang pampasaherong jeepney. Ngunit hindi nagpaiwan ang van. Mas lalo pa itong dumikit sa hulihan ng sasakyan nila. Sa bawat pabilis at paglihis ng kanilang driver, mas lalo nitong ipinakita na sila talaga ang hinahabol.

“Diyos ko po... ang baby ko,” napapikit si Lani habang nakahawak sa kanyang tiyan.

Inalalayan ni Diana si Lani. “Kalma lang, Lani.”

Niyakap ni Diana ang kanyang bag sa kandungan. Nasa bag nakatago ang lumang cassette tape at ang bagong biling player. Ito kayang cassette tape ang dahilan kaya sinusundan sila?

Biglang humarurot ang itim na van at tumabi sa gilid ng SUV ni Celeste. Gumawa ito ng marahas na pagkabig, dahilan upang magkatama ang dalawang sasakyan.

DUG!

Napatili si Celeste habang napayakap naman si Diana kay Lani para protektahan ang tiyan nito. Sa kabilang van dahan-dahang bumaba ang salamin nito. Agad din binuksan ni Celeste ang bintana para murahin ang nagmamaneho nito. Isang lalakeng nakasumbrero ang kanilang nakita. Hindi kita ang mukha nito. Akmang may kukunin ito at itututok sa kanila. Yumuko ang tatlo sa pag-aakalang babarilin sila.

Pero imbis na bala, isang matinding kidlat ng flash ng camera ang tumama sa kanila. (Itutuloy)

KERIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with