Tres Queridas(4)
“KUNG totoo itong marriage certificate n’yo ni Carlo, bakit Lani ang nakapangalan dito at hindi Selina?” pataray na tanong ni Celeste.
“Content creator kasi ako at Selina ang gamit ko sa social media, pero Lani Ramos ang tunay kong pangalan?,” paliwanag ng babae habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mga pisngi. “Kinasal kami sa huwes noong isang taon! Pakiusap, buhay ba ang asawa ko?”
Napaatras si Diana habang nakahawak sa dibdib. Parang nagunaw ang mundo niya sa loob lamang ng ilang minuto. Walong taon silang kasal. Tatlong taon kay Celeste. Labing-isang buwan kay Lani.
“Peke ‘to...” bulong ni Celeste habang nakatitig sa marriage certificate. “Is this a joke? Magkakasabwat ba kayo?!”
“Hindi peke ‘yan!” hiyaw pabalik ni Lani. “May mga litrato kami! Naka-post sa social media ang kasal namin! Kayo ang sino?! Bakit n’yo hinaha?ap ang asawa ko?!”
Bago pa man sila magkasakitan sa gitna ng terminal, mabilis na lumapit ang isang opisyal ng shipping line. Bitbit? nito ang isang basang leather bag, ang paboritong bag ni Carlo na laging gamit sa kanyang mga biyahe.
“Mga misis, kayo po ba ang pamilya ni Mr. Carlo Evangelista?” tanong ng opisyal. “Narekober po ito ng mga mangingisda sa Laut Timugan Passage. Wala pa pong katawan na nakikita... pero natagpuan itong palutang-lutang sa tubig.”
Agad na lumapit ang tatlong babae. Iniabot ng opisyal ang bag. Halos mag-agawan pa silang tatlo pero nanalo si Celeste. Nang binuksan ni Celeste ang loob nito, nakita nila ang tatlong magkakaibang cell phone: Isang simpleng smartphone na basag ang screen, isang pinakabagong mamahaling foldable smartphone, at isang keypad phone.
Napatitig si Diana sa smartphone na may basag na screen. Iyon ang teleponong ginagamit ni Carlo tuwing kasama siya sa bahay. Agad namang kinilala ni Celeste ang foldable smartphone dahil siya ang nagregalo nito, habang si Lani naman ay napatakip ng bibig nang makita ang keypad phone.
Tatlong telepono. Tat?ong misis. Tatlong magkakaibang mundo ng iisang lalaki. (Itutuloy)
- Latest















