Tony Yang, baka pumuga pa
PARANG pelikula ang drama sa Cagayan de Oro may banyagang inaresto, may mga kaso sa lokal na korte, tapos may deportation pa sa Bureau of Immigration (BI). Pero sabi nga ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, hindi ito kuwentong pelikula kuwento ito ng hustisya na ayaw nilang paikutin ng isang taong sanay daw magpalusot ng pagkakakilanlan.
Sa isang matigas na pahayag, hinimok ni Viado ang Municipal Trial Court (MTC) Branch 7 sa CDO na ibalik sa BI ang kustodiya ni Tony Yang, na gumagamit din ng alias Yang Jianxin. Hindi simpleng kaso ang bitbit ni Yang. Naaresto siya noong 2024 sa NAIA Terminal 3 ng mga tauhan ng fugitive search unit at intelligence division ng BI, kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Galing pa siya ng Cagayan de Oro, pero hindi alam ng marami, may mga kasong falsification of public documents, perjury, at paglabag sa anti-alias law na bumabalot sa kanya sa lahat may piyansa, oo, pero hindi ibig sabihing libre na siya.
Ang mas mabigat pa rito, may deportation case siya sa BI dahil sa puntong ito kailangan pa naming habulin ‘yan sa ibang bansa.”
Sa madaling sabi, ayaw ng BI na maulit ang eksenang nakakalusot ang mga may koneksyon o kakayahang tumakas. Ang punto ni Viado malinaw: Kung hindi tatalas ang mga mata ng gobyerno, mauulit lang ang mga kuwento ng dayuhang nakakalaya, sabay biglang nawawala parang usok sa disyertong hangin.
Para kay Viado, ang laban na ito ay hindi lang tungkol kay Yang. Isa itong babala sa lahat ng dayuhang nagtatangkang paikutin ang batas at sa mga Pilipinong nagbubulag-bulagan sa mga ganitong galawan. Ang mensahe ng BI malinaw: ang batas, hindi niluluto. Ang hustisya, hindi nilalambing.
Disklaymer: Ang artikulong ito ay nakabatay sa mga opisyal na pahayag at impormasyon mula sa Bureau of Immigration. Layunin nitong iparating sa karaniwang mamamayan ang mga isyung legal sa paraang diretso at madaling maintindihan, nang walang halong paninira o paghusga.
- Latest



















