^

Punto Mo

Deniece Cornejo, pwede nang tumanggap ng bisita sa jail

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinapayagan nang tumanggap ng bisita ang modelong si Deniece Cornejo na nakakulong sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City matapos ma-convict sa kasong “serious illegal detention for ransom” na isinampa ng actor at TV host na si Vhong Navarro.

Si Cornejo ay kasalukuyan pang nasa kustodiya ng CIW-Reception and Diagnostic Center (RDC) hanggang sa matapos niya ang 60 araw.

Noong Mayo 2, 2024 nang ipasok sa CIW si Cornejo pagkatapos ng promulgasyon ng kaso ng Taguig Regional Trial Court Branch 153, kung saan siya nahatulan ng “reclusion perpetua” o hanggang 40 taong pagkabilanggo at makansela ang inilagak na piyansa.

Bukod kay Cornjeo, nahatulan rin “guilty beyond reasonable doubt” sa nasabing kaso at kapwa pinatawan ng “reclusion perpetua” ang mga kapwa akusado na sina Cedric Lee, Simeon Palma Raz Jr. at Ferdinand Guerrero.

Nabatid na nitong Mayo 16 ang ika-15 araw ni Cornejo sa RDC, na simula upang pahintulutan siyang mabisita.

vuukle comment

DENIECE CORNEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with