Lalaki sa Japan na nakagawa ng pinakamaliit na robot, nakatanggap ng Guinness Record!
ISANG estudyante sa Nagoya, Japan ang nakapagtala ng bagong world record matapos itong makabuo ng pinakamaliit na humanoid robot sa buong mundo!
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Mitsuya Tatsuhiko ang pinakabagong record holder ng titulong “Smallest Humanoid Robot”.
Ito ay matapos niyang mabuo ang isang humanoid robot na may laking 2.27 inches na maikukumpara ang laki sa isang ATM card.
Si Tatsuhiko ay isang postgraduate student sa Nagoya Institute of Technology kung saan pinag-aaralan niya ang robotics. Bata pa lamang ay hilig na nito ang robotic at sa edad na 10, nakabuo na siya ng simpleng robot na gumagalaw ang braso at binti.
Ang focus ng pag-aaral ngayon ni Tatsuhiko ay pagbuo ng maliliit na robot na makakatulong sa oras ng sakuna tulad ng lindol. Nais niyang makagawa ng robot na kakayaning makapasok sa mga makikipot na espasyo tulad ng mga gumuhong building o mga masisikip na yungib.
- Latest