^

Punto Mo

Bangungot ni Quiboloy

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

SINABI ni Appointed Son of God Pastor Apollo Quiboloy na bayaran ang mga taga-media na nagpapalaganap sa kinakaharap niyang mga kaso ng kaimoralan sa U.S. at maging dito sa Pilipinas.

Masama po ang magbintang brader!

Binatikos din ni Quiboloy ang administrasyon ni PBBM na naki­kipagsabwatan sa mga Amerikano upang hulihin siya at dadalhin sa U.S.

Nakakapraning talaga ang maghagilap ng pangdepensa. Kasalanan ang magsinungaling, di ba?

Malaking insulto sa mga mamamahayag ang sinabi ni Quiboloy. Nag-iingat ang mga miyembro ng media para maiwasan ang fake news para hindi matulad sa ginawa ng broadcaster ng SMNI. Malinaw po ba?

Kasapi ako ng mga Kapisanan ng Brodkaster sa Pilipinas (KBP) mula pa 2004 at nakapaglingkod na sa tatlong malalaking­ radio station at naparangalan na bilang outstanding radio anchor at outstanding radio program. Wala pong cash incentives ‘yun!

Mabuti pang sumuko na lang si Quiboloy at harapin ang mga nag-aakusa sa kanya. Hindi siya dapat matakot kung totoong wala siyang kasalanan. Di ba “Son of God” siya?

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with