^

Punto Mo

Stop muna sa kahalayan at bangayan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BAKAS sa istorya ng pagkilala sa Diyos ang pagiging maka­sarili ng mga sinaunang liderato ng mananampalataya kaya nagbunga ng kalituhan sa mundo. Malaking dahilan sa pagdami ng mga relihiyon at pagsipot ng mga bulaang propeta ang bulto ng pera na abuloy ng miyembro. Nakakayaman ang pagsisinungaling.

Kasagraduhan sa mga Kat­liko ang pagbabalik-tanaw sa paghihirap ni Hesus sa krus kaya ginugunita ang Semana Santa.

May mga ritwal ng pisikal na pagpipinitensya at pagbabasa ng pasyon, pakikipagprusisyon at pag-aayuno. Kaya lang, naha­haluan sila ng mga lasinggero at sugarol na nagpapagunita sa inasal ng mga sundalong Romano habang nakabayubay sa krus si Hesus.

Pinawawalang-halaga man ng iba’t ibang sekta ng relihiyon ang pagka-Diyos ni Hesus, naniniwala pa rin ang nakararaming Kristiyano na Siya ang nag-iisang tagapagligtas. Amen!

Dahil sa kasamaan ng mga pulitiko at katiwalian sa liderato ng simbahang Kristiyano, may mga nagtatanong kung bakit sila binubuhay pa ng Diyos? Ang sagot: Inaalagaan sila ng Demonyo!

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with