^

Punto Mo

Kuwaresma sa Kingdom ni Quiboloy, nagaganap na!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAINIT ang bumabalot sa kapaligiran ng Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Hinahalungkat ang pamamalimos na nagpayaman diumano kay Quiboloy. Nahaharap siya sa pag-iimbestiga ng U.S. Criminal Court kabilang ang pagkakaroon ng limpak na dolyar at limang bahay nito sa U.S.

Inuusisa rin kung may katotohanan ang testimonya ng mga nasi­pingan diumano ni Quiboloy.

Ginawa umanong alay ang kanilang katawan at virginity noong sila’y menor de edad pa lamang. Aba’y hindi naman siguro ganun kalaswa ang tunay na Diyos.

Minsan, sinabi ni Quiboloy na ang Diyos Ama sa langit at siya ay iisa. Hiniram daw ng Diyos Ama ang pangalan niya. Samakatuwid, Apollo Quiboloy na ang pangalan ng Diyos Ama na lumikha ng mundo? Teka, masamang biro na ‘yan!

Nasusulat sa Bibliya na bago arestuhin si Hesus, sinabi Niya kay Pedro, “Ikaw ay Pedro (Bato) at sa Batong ito itatayo Ko ang iglesia.” Umalingawngaw naman na gusto diumano ni Quiboloy na si Digong (galit sa bato) ang mamamahala sa Kingdom ni Quiboloy. Bakit susuko na ba siya?

Anumang oras, maaring arestuhin si Quiboloy saan mang dako ng mundo kung talagang gugustuhin ng U.S. Madaling maghanap ng maghuhudas ngayon basta may reward money. Mapatigil kaya ni Quiboloy! Abangan!

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with