^

Punto Mo

Natupad na ang kahilingan ni Quiboloy, magpahuli kaya?  

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAPAGBIGYAN na ang kahi­lingan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, leader ng Kingdom of Jesus Christ, na isampa na lang sa korte ang mga reklamong ibinibintang sa kanya. Hindi raw ang Senado ang dapat duminig sa kaso.

Kumilos si Justice Secretary Boying Remulla at pinasasampahan ng kasong child trafficking at child abuse si Quiboloy.

Ang mga kasong child traf­ficking­ at child abuse ay non-bailable offenses. Malamang makulong si Quiboloy. Dito malalaman kung may pangil ang hustisya sa bansa.

Ang huling babala ng kampo ni Quiboloy ay malamang daw na magkagulo kapag nagipit na ng tuluyan ang kanilang pastor. Kaya ba talaga nilang manggulo? Sige ngaaa!

Sa dami ng miyembro ng Committee on Women, Children­, Family Relation and Gender Equality, tanging si Sen. Risa Honti­veros lamang ang matapang na nagpursigi para maimbestigahan ang pagmamaltrato diumano ni Quiboloy.

Marami namang abogado si Quiboloy pero mas marami ang nag-aabogado sa Senado kaya walang problema. Alalahanin lang nila na maraming Pilipino ang nagmamasid sa kanila ngayon. Abangan!

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with