^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat sa sunog

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-ingat sa sunog

DALAWA ang namatay sa sunog na naganap sa Tondo, Maynila noong Martes. Halos kasabay ng sunog sa Tondo, isang sunog ang naganap din sa Sta Mesa, Maynila at anim katao ang malubhang nasugatan. Ngayong Pebrero, tinatayang 10 sunog na ang nagaganap sa Metro Manila. 

Hindi pa idinideklara ng PAGASA ang tag-init pero marami nang nangyayaring sunog. Sa Marso 1 ang simula ng Fire Prevention Month pero ngayon pa lamang ay panay na ang sunog.

Mula nang pumasok ang Pebrero, halos araw-araw ay may sunog. Noong Pebrero 9, isang 70-anyos na lolo ang namatay sa sunog na naganap sa Bgy. 96, sa Pasay City. Isang fire volunteer at isang residente naman ang nasugatan. Nagsimula ang sunog sa compound na pag-aari ng barangay chairman. Nadamay ang  barangay hall, mini grocery at food bar.

Noong Pebrero 14, nagkaroon ng sunog sa New Capitol Estate, Bgy. Batasan, Quezon City kung saan nadamay ang bahay ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil. Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City, alas-8:30 ng gabi ng sumiklab ang sunog.

Noong Pebrero 15, isang sunog ang naganap sa Fugoso St., Sta. Cruz at tinupok ang 50 bahay. Pitong residente ang nasugatan. Nagsimula umano ang sunog sa isang bahay sa Fugoso St. Ayon sa BFP, aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Noong Pebrero 17, nawalan ng tirahan ang 30 pamilya sa naganap na sunog sa isang residential area sa Pasay City. Ayon sa Bureau of Fire and Protection, nagsimula ang sunog sa bahay sa P. Dandan St., Bgy. 54, Pasay City. Tatlo ang nasugatan at tinatayang P500,000 ang halaga ng pinsala.

Noong Pebrero 18, apat ang nasugatan sa isang sunog na naganap sa A. Santos St., sa Barangay Tumana. Marikina City. Ayon sa Marikina BFP, tinatayang 80 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Magkaroon ng kampanya ang Bureau of Fire Protection para maiwasan ng mamamayan ang sunog. Magbigay ng tips kung paano maiiwasan ang sunog. Huwag nang hintayin pa ang Marso 1 na umpisa ng Fire Prevention Month bago magpaalala sa mamamayan na mag-ingat sa sunog.

Ayon sa PAGASA, titindi pa ang init sa Marso dahil na rin sa El Niño. Nararapat lamang na magkaroon ng paghahanda ang BFP sapagkat posible ang pagsiklab ng sunog lalo na sa Metro Manila. Magkaroon ng inspeksiyon sa mga gusali na kadalasang faulty electrical wiring ang dahilan.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with