Maid of Honor (43)
KUNG anu-ano ang naiisip ni Honorio para lamang makatiyak kung si Yana ang dancer sa KTV. Naisip niya na bosohan si Yana para makatiyak.
Pero siya na rin ang kumontra sa iniisip. Hindi niya magagawang bosohan si Yana na parang miyembro na ng kanilang pamilya. Kapag ginawa niya yun para siyang walang pinag-aralan.
Paano kung mahuli siya ni Yana?
Ano ang ikakatwiran niya—na kaya niya ginawa yun ay dahil gustong makita ang nunal sa may pusod para makumpirma kung ito ang dancer sa KTV?
Para walang sense ang dahilan.
Madudungisan pa ang pagkakilala sa kanya ni Yana at ni Bianca mismo. Napakataas pa naman ng pagtingin sa kanya ni Bianca. Si Bianca ang una at huling siyota niya. Ayaw niyang masira ang pagtingin sa kanya ni Bianca.
Ibinasura niya ang paraang yun. Kailangang makagawa siya ng paraan na hindi madudungisan ang kanyang pagkatao.
Nasa ganun siyang pag-iisip nang lumapit si Yana at may tinanong.
“Kuya nakapasok ka na ba sa KTV bar?’’
Nagulat si Honor.
Ano kaya ang naisip ni Yana at ganun ang tanong?
Nadagdagan na naman ang pagdududa niya rito.
Pero hinayaan lang ni Honorio.
Kaswal siyang sumagot.
“Oo.’’
“May mga nagsasayaw daw na hubad, Kuya?’’
Natigilan si Honorio.
Ano ba itong tanong ni Yana at umaayon na yata sa mga misteryong nagpapahirap sa kanya.
(Itutuloy)
- Latest