^

Punto Mo

Tensiyon sa Kongreso at Senado, maayos kaya?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

LALABNAW na marahil ng bahagya ang tensiyon sa pagitan ng House of the Representatives at House of Senate matapos ang paglilinaw na ginawa ng mga kongresista sa isang presscon na walang kinalaman sa political provision bagkus ay economic provisions lamang ang layunin nito. Babaguhin lamang ang ilan sa economic provisions ayon sa 1987 Constitution. Okey ba?

Malinaw sa paliwanag mula sa liderato ng kongreso na wala itong intensyon na maliitin at burahin ang kapangyarihan ng Senado at pahabain ang termino ng mga nakaupong elected officials sa buong bansa. Nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan kaya napraning ang mga senador. Nagmadali naman kasi si Pareng Martin eh!

Agad naman kasing pinagalaw ng mga kongresista ang makinarya nila sa kanilang nasasakupan para magpapirma sa ipinorma nilang People’s Initiative (PI). Tanda raw ng pagsang-ayon dito ng mamamayan. Oowws! ‘Di kaya may maling ipinangako?

May kongresista nga ba sa QC na nagblow-out ng trip to Europe sa 38 barangay captains ng distrito nito? Malamang daw na “consuelo de bobo” na lang ito dahil akala nila ay extended nga ang terms nila kapag natuloy ang PI. Baka naman galante lang talaga si Kong o bayad sa palpak na pangako. He-he-he!

 

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with