^

Punto Mo

EDITORYAL - Aksidente sa kalsada daming namamatay

Pang-masa
EDITORYAL - Aksidente sa kalsada daming namamatay

SA report ng World Health Organizations (WHO), 1.3 milyong katao ang namamatay taun-taon sa buong mundo dahil sa aksidente sa kalsada. Sa Pilipinas, 32 katao ang namamatay araw-araw dahil sa aksidente sa kalsada.

Ang mga malalagim na aksidente ay isinisisi sa mga walang disiplinang drayber na nagpatuloy na nagmaneho kahit nalalaman nilang may depekto ang sasakyan. Mayroong nagmaneho na nasa impluwensiya ng alak at mayroong nagmaneho kahit inaantok o may karamdaman. Marami ring motorcycle rider ang namatay dahil sa aksidente. Noong Lunes, dalawang magkaangkas sa motorsiklo ang bumangga sa center island at nahulog pa sa underpass. Patay ang dalawa.

Noong nakaraang taon, maraming pampasaherong bus ang aksidente. May nag-overtake sa sinusundang sasakyan pero nabangga ang kasalubong sa kabilang lane. Mayroong nag-dive sa bangin gaya ng Ceres bus na nahulog sa bangin sa Hamtic, Antique noong Dis. 12, 2023 na ikinamatay ng 19 na pasahero. Mabilis ang takbo ng bus habang nasa kurbada. Nawalan ng control ang drayber at nahulog sa bangin.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ­umabot sa 529,578 na motorista ang kanilang nahuli noong 2023 dahil sa paglabag sa traffic regulations. Ilan sa mga paglabag ay smoke belching, hindi pagsusuot ng seatbelt at overloading.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na mahigpit ding ipatutupad ang “no registration, no travel” policy. Ayon kay Mendoza, 24.7 milyong sasakyan ang hindi rehistrado at yumayaot sa mga lansangan. Nalalagay sa panganib ang mga pasahero at pedestrians kapag naaksidente ang mga hindi rehistradong sasakyan.

Isulong din naman ng LTO ang pag-educate sa mga kukuha ng driver’s license para hindi sila ma­ging mitsa ng mga aksidente sa kalsada. Marami ang nakakakuha ng lisensiya kahit walang kamuwangan sa mga batas trapiko. Makikita rin ang mga walang “utak” na drayber na nagpipilit dumaan sa EDSA carousel kahit ipinagbabawal. Tutukan din ng LTO ang mga e-bike na mistulang “hari”sa kalsada.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with