^

Punto Mo

Empleyadong hindi nag-render ng 30 days, kailangan bang bayaran ng final pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede pa bang makuha ng empleyado ang final pay niya kahit hindi naman siya nag-render ng thirty days matapos siya ay nag-resign? Puwede bang bawasan ang final pay ng empleyado dahil sa hindi niya pagre-render ng thirty days? —Pam

Dear Pam,

Malinaw sa Labor Advisory No. 06 Series of 2020 na ang final pay ay tumutukoy sa lahat ng sahod o benepisyo na nararapat na matanggap ng isang dating empleyado, anuman ang dahilan ng kanyang pag-alis sa kanyang employer. Kabilang na rito ang mga suweldong hindi pa natatanggap ng emple­yado bago siya ay nag-reisgn o natanggal sa trabaho, cash conversion ng mga hindi nagamit na leaves, retirement pay, at iba pa.

Sa madaling sabi, may karapatan ang empleyado na matanggap ang kanyang final pay, anuman ang dahilan ng pag-alis nila sa trabaho.

Paano kung may pagkakautang ang empleyado sa kanyang employer? Kinilala ng Supreme Court sa kaso ng Milan v. NLRC (G.R. No. 202961, 04 February 2015) ang karapatan naman ng mga employer na magsagawa ng rasonableng clearance process bago nito ibigay ang final pay upang masigurado na maibabalik ang mga property ng employer na nasa kamay ng umalis na empleyado.

Kaya kung matapos maisagawa ang clearance process at wala namang kailangang bayaran na utang o property na maaring bawiin mula sa empleyadong nag-resign ay kailangan niyong ibigay sa empleyado ang kanyang final pay.

Kung ang tanging dahilan niyo para hindi ibigay o bawasan ang final pay sa empleyado ay ang hindi niya pagre-render ng 30 days, kailangan siguraduhin n’yo muna na may ebidensiya kayo na may damages o pinsala ngang naidulot sa negosyo ang hindi niya pagre-render ng 30 days dahil maari pa rin kayong sampahan ng kaso sa DOLE o NLRC ng empleyado at doon ay kailangan ninyong patunayan ito.

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with