^

Punto Mo

Peruvian police, nanghuli ng mga criminal habang nakasuot ng superhero costume!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINANGAAN ng Peruvian netizens kamakailan ang kanilang kapulisan matapos ang kanilang matagumpay na pagtimbog sa notorious na pamilya ng drug traffickers sa Lima, Peru.

Pinag-usapan at nag-viral ang nasabing drug bust operation dahil tila mga superheroes sa pelikula ang mga pulis. Nakasuot ang mga ito ng costume bilang sina Captain America, Thor, Spiderman at Cat Woman.

Tinawag ang drug bust operation laban sa Maria­tegui family na “Operation Marvel”. Naganap ito noong gabi ng Oktubre 31 kung kailan nagdiriwang ang Peruvian citizens ng halloween.

Ayon sa spokesperson ng Policía Nacional del Perú, isinagawa nila ang operasyon sa gabi ng halloween upang makapagsuot ng disguise na superhero costume ang kanilang kapulisan at hindi matiktikan ng Mariategui family.

Mapapanood sa nag-viral na bodycam recording ng mga pulis na nagulat at nalito ang mga suspek matapos silang arestuhin nina Captain America, Thor, Spiderman at Cat Woman. Nasabat sa raid ang ilang gramo ng cocaine hydrochloride, marijuana at coca paste.

vuukle comment

DRUG TRAFFICKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with