^

Punto Mo

EDITORYAL - I-educate ang mamamayan ukol sa bakuna

Pang-masa
EDITORYAL - I-educate ang mamamayan ukol sa bakuna

MARAMING balita ang naglalabasan ukol sa COVID vaccine. Karamihan ay mga fake news na naghahatid naman ng pangamba sa mamamayan. Sa social media, may mga balita na mayroon daw nurse na namatay sa US makaraang bakunahan laban sa COVID. Bigla na raw bumagsak mula sa kinauupuan ang nurse at namatay. Kumalat ang balita dahil maraming nag-shares. Lumalabas na fake news ang kumalat sa FB. Ang intensiyon ay takutin ang mga tao.

Sa survey ng Pulse Asia noong Enero 7, lumabas na 32 percent ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna. Marahil ay dahil sa mga maling balita na kumakalat sa social media kaya marami ang natatakot. Masyado silang apektado kaya marahil ayaw nilang magpabakuna.

Isa pang maaring dahilan ng pagkatakot ng mga tao sa bakuna ay dahil sa nangyaring kontrobersiya ukol sa Dengvaxia kung saan marami umanong bata ang namatay makaraang turuan. Ayon sa report, ang dapat lamang turukan ng Dengvaxia ay mga nagka-dengue na subalit pati ang mga hindi nagka-dengue ay binakunahan din. Hindi ito ipinaliwanag ng Sanofi (maker ng Dengvaxia) kaya malaking pagkakamali ang nangyari. Inihinto ang pagbabakuna noong 2016. Hanggang ngayon, tila multong nagbabalik ang kontrobersiya ng Dengvaxia.

Ito ngayon ang marahil ay nasa isipan nang marami ukol sa COVID vaccine. Sa ganitong sitwas­yon, dapat ma-educate ang marami sa bakuna laban sa COVID-19 lalo pa’t ayon sa pamahalaan, malapit nang dumating sa bansa. Ayon sa report, sa isang buwan ay mayroon nang darating na bakuna. Kailangang maihanda ng pamahalaan ang lahat para matiwasay ang isipan ng mamamayan at huwag katakutan ang bakuna. Sabi ng Food and Drugs Administration (FDA) basta dumaan sa kanila ang bakuna, hindi dapat mangamba ang mamamayam dahil ligtas ito.

 

COVID-19 VARIANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with