^

Punto Mo

Sugar Mommy (77)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KUMUSTA ang trabaho mo, Jericho?’’ tanong ni Jane na halatang-halata na sabik makipag-usap kay Jericho.

“Okey naman. Ako na nga ang chief mechanic. Ma­laking tulong ang experience ko sa talyer ni Ninong. Halos walang ipinagkaiba. Ang naiba lang ay modern ang mga gamit dito. Pero yung mga ginagawa, halos pareho.’’

“Ilan ang hawak mong tao?’’

“Apat. Meron pang para-ting next week.’’

“Aba mukhang palaki nang palaki ang auto shop n’yo.’’

“Oo nga.’’

“Baka naman nalilipasan ka ng gutom d’yan?’’

“Hindi. Regular ang pagkain ko. Pagpasok namin, naka-ready na ang aming pack-lunch. Kaya pag-oras ng pagkain, talagang kakain kami.’’

“Anong pagkain n’yo sa lunch?’’

“Fried chicken, rice at vege­table soup. Okey naman. Kaya lang nakakasawa na ang chic­ken. Na-miss ko ang luto mo.’’

“Hayaan mo at pag-uwi mo, ipagluluto kita.’’

“Ha-ha-ha! Ang tagal pa nun!’’

“Di ba isang taon lang ang kontrata mo?’’

“Oo nga. Pero matagal pa ang isang taon.’’

“Sandali lang yun. Kapag lagi kang busy sandali lang yun.’’

“Sige pag-uwi ko ipagluto mo ako, Jane. Siyanga pala, sarap na sarap si Mama sa pinadala mong pagkain noon. Laging tinatanong kung  sino ang nagluto.’’

“Sana sinabi mo galing sa kanyang mamanugangin, joke, he-he-he!’’

Hindi nakapagsalita si Jericho.

“O sige na Jericho, marami ka nang babayaran. Ako na lang ang tatawag sa’yo. Bye.”

“Bye Jane.’’

KINABUKASAN, biniro siya ng ka-roommate na si Leo.

“Ang haba ng usapan n’yo ng siyota mo kagabi, Jericho.”

“Hindi ko siyota ‘yun, friend lang.”

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with