20 kuto, inalis ng doktor sa mata ng babae!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 31, 2019 - 12:00am

ISANG babae ang nagreklamo sa doctor dahil sa labis na pangangati ng kanyang kaliwang mata. Ang babae na nakilalang si Zhang ng Shandong ay nagpapagaling sa ospital dahil sa stroke nang biglang kumati ang kaliwang mata.

Agad sinuri ng doctor ang mata ni Zhang. Ganun na lamang ang pagkagulart nito nang makita ang 20 kuto sa loob ng mata ng pasyente. Isa-isang inalis ng doctor ang mga kuto.

Ayon kay Zhang, inakala niyang ang pangangati ng kanyang mata ay dahil sa pagkarekober niya sa stroke. Pero patuloy ang pagkati nito at pinakiusapan niya ang anak na tingnan ang kanyang mata. May nakitang gumagaang ang kanyang anak pero hindi masiguro kung ano iyon.

Kaya ipinasyang patingnan na sa doctor. Ayon sa doctor, sinilip niya sa microscope ang nakuha sa mata ng pasyente at natiyak na mga kuto nga iyon.

Inalis ang mga kuto sa pamamagitan ng maliit na tweezers.

KUTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with