^

Punto Mo

Krisis sa beer nakaamba?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

LUMILITAW umano sa isang bagong pag-aaral ng isang grupo ng mga scientist na namemeligrong magkaroon ng ma-tinding krisis o kakulangan sa suplay ng beer sa buong mundo dahil sa climate change.

Ano ang kuneksyon ng beer sa climate change o global warming? Pinatutungkulan ng naturang mga scientist ang halamang barley na isa sa pangunahing sangkap ng beer.  Ipinaliwanag sa pag-aaral na nalathala sa journal na Nature Plant na, dahil sa tinatayang tagtuyot at matinding pag-init ng panahon na dulot ng climate change, magkakaroon nang malaking kakulangan sa beer. Ito ay dahil ang barley na pangunahing sangkap ng beer ay sensitibo sa extreme heat temperature. Ipinahiwatig na mamamatay lang ang mga barley sa sobrang init ng panahon kaya magiging problema ito sa mga tagagawa ng beer.

Ang pag-aaral ay ginawa ng isang grupo ng mga climate change scientist na nais makalikha ng tamang larawan kung paanong ang global warming ay makaaapekto hindi lang sa mga likas na yaman ng mundo kundi pati na rin sa itinuturing nilang luxury essentials.

Sa isang ulat sa CNN, sinabi ni Dabo Guan, co-author ng pag-aaral at professor ng climate change economics sa University of East Anglia sa United Kingdom, na layunin ng kanilang pag-aaral na ipakita kung paanong magiging personal din ang aktuwal na epekto ng global warming at hindi pigilan ang mga tao sa pag-inom ng beer.

Sinuri ng mga scientist ang epekto sa barley crop at presyo ng beer sa pagsasama-sama ng climate, crop at economic model. Tinaya nila na bababa nang tatlong porsiyento at 17 porsiyento ang produksyon ng barley sa mundo depende sa tindi ng sama ng panahon. At dahil nga, magkakaroon ng kakulangan sa barley, tataas ang presyo nito na siyempre pa ay magpapataas din sa presyo ng beer. Sa mas matinding senaryo ng supply and demand, bababa nang 16 na porsiyento ang konsumo ng beer sa buong mundo na katumbas ng 29 bilyong litro o annual beer consumption sa Amerika.

Kaya nga ang payo nila sa mga manginginom ng beer, tumulong na maibsan ang epekto ng global warming para “tuloy ang ligaya”.

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay ipadala sa [email protected])

 

 

vuukle comment

KRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with