^

Aarangkada na sila, sinong kokontra?

BAKAS! - Kokoy Alano (Pang-masa) - October 5, 2018 - 12:00am

SA rami nang magre-resign sa Gabinete ni President Digong para kumandidato sa 2019, malamang daw na ang iba sa kanila ay nag-ipon lang ng puhunan at popularidad habang nakapuwesto para makatulong kuno sa political ambition nila. Aba e ‘di sige para makabalato naman ang mga nakanganga, hehehe!

Naghahanda na ang social media warriors!

Tulad ng pagbabanta ni Mocha Uson, gagamitin daw nito ang pagiging vlogger niya para banatan ang mga kalaban ng gobyerno, samantalang malamang na maging nominee rin ito ng isang party-list para maging congresswoman. Hindi nag-iisa si Mocha sa ganitong paraan, baka marami ring kalabang vlogger ang lumabas at maging katawa-tawa na at magkababuyan na nang tuluyan sa social media ang 2019 election, hahaha!

Sa mataas na rating ni Digong, nakiki-ride-on?

Nakiki-ride-on sa mataas na trust rating ni Digong ang mga wais na pulitiko kaya nga nag­lulundagan sa political party ng administrasyon ang karamihan sa kanila. Ika nga, libre na sa pagpapabaha may matibay pang bangka. Ang masama, baka naman sila ang magpabagsak ng ratings ni Digong!

Sa trust ratings pa lamang ni Digong, tiyak na plus factor na ito, lalo pa nga’t makakasabay sila sa mga proyektong pangkabuhayan, edukasyon at kalusugan na ibinababa ng gobyerno sa mamamayan. Ang tawag po rito ay equity of the incumbent, na ang ibig sabihin, nakasakay dito ang  mga kandidato ng administrasyon. Libre na effective pa! O ano, kokontra ka pa? Hehehe!

Marami naman ang may sariling puhunan

May mga supporter naman si Digong na may sariling puhunan na mahal ng kanilang constituency at nakiisa lamang sa magandang hangarin ng Presidente, at maaring nakatulong din sila sa popularidad ni Digong.

Ang Latin words Vox populi, Vox dei sa saling Filipino ay ang kagustuhan ng mga tao ay kagustuhan ng Diyos, kaya huwag naman sanang mangibabaw ang Diyos ng kadiliman sa pagdedesisyon ng mga botante. Mahabang panahon na tayong pinarurusahan ng mali nating pamantayan!

POLITICAL AMBITION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with