^

Punto Mo

No parking zone sa Metro Manila

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ANG pagpapairal na “no parking zone” sa Metro Manila ang nalalabing paraan upang matapos na ang problema sa trapiko.

Maganda ang panukalang ito ni Sen. Tito Sotto na solusyon sa problema sa trapiko habang inaantabayan pa ang pag-aapruba sa  panukalang emergency powers.

Sa kasalukuyan, napakaraming alternatibong ruta ang mga motorista na tinatawag na secondary roads.

Pero ito ay barado sa kasalukuyan dahil ginawang sariling paradahan ng mga residente sa halip na ito ay puwedeng daanan ng mga pribadong motorista at huwag nang makipagsiksikan sa EDSA.

Kung magpapatupad lang ng clearing operations ang gobyerno na seryoso at walang humpay ay tiyak na malulutas ang problema sa trapiko.

Baka nga hindi na kailangan pa ng emergency powers na hinihingi ng Department of Transportation (DOTr) kapag talagang masinsinan at mahigpit na ipatutupad ang “no par-king zone”.

Sa Maynila ay ipinatupad ni Mayor Erap Estrada ang “no parking zone” Sa kahabaan ng Rizal Avenue na naging dahilan upang gumaan ang daloy ng trapiko sa nasabing kalsada.

Malamang na kung buong Metro Manila at lahat nang kalsada ay pagbabawalan na pagparadahan ay tiyak na malulutas ang problema sa trapiko.

Maaring magtakda na lang ng oras ang gobyerno na puwede lang pumarada mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga upang magamit ito sa araw ng lahat ng motorista lalo na ng pribado at ang EDSA ay para na lamang sa mga pampublikong sasakyan na lubos na magbibigay din ng ginhawa sa commuters.

vuukle comment

NO PARKING ZONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with