Ako’y isang yagit

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - January 16, 2016 - 9:00am

Giliw pagmasdan mo ang ulilang buhay

Lalo pang nalungkot lalo pang nalumbay,

Pagkat ang totoo’y lubos kitang mahal

Ngunit ako’y hamak na isang yagit lang

 

Eden ka ng pusong walang paraiso

Sapagka’t sa iyo nadarama ko

Ang isang pagsintang laan lang sa iyo

Pag-ibig na tapat hindi magbabago

 

Lubhang mabango ka sa mga bulaklak

Kaya ang dusa ko’y lalo pang nagnaknak

Paano’y talos kong sa dusa ay sadlak

Sapul nang makita at kita’y mamalas

 

Ikaw tanging ikaw gandang diwata

Ang laman ng puso ang laman ng diwa

Hamak na bigkasin sa mga salita

Ang aking pagsuyong wagas at dakila

ACIRC ANG GILIW HAMAK IKAW KAYA LUBHANG NGUNIT PAANO PAG PAGKAT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with