^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi maubos ang kontrabando sa NBP

Pang-masa

PITONG beses nang niri-raid ang mga dormitor­yo sa New Bilibid Prison (NBP) at hindi pa rin maubos ang mga kontrabando roon. Noong Martes, muli na namang ni-raid ang mga dormitoryo sa NBP at marami na naman ang nasamsam na kontrabando. Nakasamsam ng mga cell phone, iba’t ibang gadgets, appliances at marijuana.

Hindi lamang kontrabando ng inmates ang natuklasan sapagkat nang halughugin din ang pinaka-opisina ng jailguards, nakuha ang maraming cell phones sa drawers. Iba’t ibang klase ng cell phones ang naroon na pinaniniwalaang pag-aari ng inmates. Sabi ng jail guards, bahagi raw iyon ng mga nakumpiska sa mga nakaraang raid at hindi pa naiimbentaryo. Duda naman si NBP head Supt. Richard Schwarzkopf sa alibi ng jailguards. Paiimbestigahan umano niya ang pangyayari.

Walang pagkaubos ang mga kontrabando sa NBP. Matatandaan na nang magsagawa ng unang search operations sa dormitoryo ng Commando at Sigue-Sigue Sputnik gangs noong Oktubre, nadiskubre ang mala-armory sa loob. Maraming matataas na kalibre ng baril, sangkatutak na bala para sa shotgun at iba’t ibang uri ng bladed weapons. Ang mga baril ay ibinaon sa suwelo. Nang tungkabin ang mga tiles, natambad ang mga baril na kinabibilangan ng UZI, shotgun, calibers 45 at 38. May mga baril pang nakabaon sa barya para hindi mahalata.

Dahil sa natuklasang armory, tatalunin pa ng mga bilanggo ang jailguards. Mas matataas pa ang kalibre ng mga baril. Bukod sa mga baril at bala, nakakum-piska rin ng drug paraphernalias. Patunay din ito na laganap ang negosyo ng shabu sa loob.

Nang muling salakayin makalipas ang isang linggo ang mga dormitoryo, marami na namang nakum-piskang mga armas na matataas ang kalibre. Marami ring nakumpiskang bala at mga matatalas na bagay – kutsilyo, itak, gunting at iba pang patalim na gawa sa kutsara at tinidor.

Kahit araw-arawin ang pagsalakay sa mga dormitoryo marami pa rin ang makukumpiska, indikasyon na may nangyayaring corruption kaya naiipasok ang mga kontrabando.

Nararapat magkaroon ng reporma sa NBP.  Unang gawin ay alisin lahat ang jailguards at palitan ng mga hindi kurakot.  Mas maganda kung marines ang ilagay na jailguards. Sunod na gawin, balasahin ang Bureau of Corrections (BuCor). Kapag nagawa ang mga ito, magkakaroon ng pagbabago sa NBP.

ACIRC

ANG

BARIL

BUKOD

BUREAU OF CORRECTIONS

MGA

NANG

NEW BILIBID PRISON

NOONG MARTES

RICHARD SCHWARZKOPF

SIGUE-SIGUE SPUTNIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with